Advertisers

Advertisers

Pinagtagpo at Tinadhana

0 28

Advertisers

Ni NICK NANGIT

MATAPOS ang ilang buwan ng pasakit at kapaguran na nagresulta sa maraming hiwalayan, lalung-lalo na sa industriya ng aliwan, nagwakas din noong Setyembre 2023 ang Venus Rx.

Ang enerhiya ng retroshade na sumunod sa Venus Rx hanggang Oktubre ay napalitan na, at ito’y magpapatuloy hanggang sa katapusan na ng 2024. Mararamdaman natin na mas magaan ito, mas maluwag, at mas masarap para sa ating mga pamumuhay.



Ang tawag dito ay Direct Motion o DM. Ibig sabihin, makakasabay na natin ang planetang Venus sa pag-ikot sa Araw o Sun.

Sa wakas, maiwawasto na natin ang ating mga kamalian. Maisasatupad na rin ang mga minimithi nating damdamin sa gitna ng maraming nagsasalpukang negatibong karanasan. Dahil lalakas na ang ating mga kalooban, makakapagsalita na rin tayo mula sa puso at hindi tayo mag aatubili o mag aalinlangan, dala ng konstelasyong Leo.



At dahil din ang zodiac sign na yan ay tungkol sa pagbuo ng pamilya, mararamdaman natin ang pag-ibig at romansa, lalo pa’t nasa antas ito ng espirituwalidad. Mababatid natin ang pangangailangan ng ating mga napupusuan at isasama natin sila sa ating mga plano.

Sa madaling salita, taliwas sa nausong kanta, ngayon ay panahon ng mga pinagtagpo at sadyang tinadhana.



Kaya naman, nagkaisang-dibdib ang dalawang magkasintahan kamakailan lamang.

Nandiyan unahin na natin si Venus Raj na ikinasal na kay North Orillan.

Isang beauty queen si Venus na nagpalit ng kanyang pananaw matapos makamit ang ika-apat na posisyon sa Miss Universe noong 2010. Naging mas aktibo siya sa kanyang pananampalataya. Nagtapos na rin siya ng kanyang master’s degree sa community development sa UP.

Nagkakilala sina Venus at North noon pa, subali’t hindi umusad ang kanilang ugnayan dahil may karelasyon pa si North, hanggang sa nagkrus muli ang kanilang landas kung saan host si Venus.

At dahil sa kanilang pagpapahalaga sa kanilang paniniwalang espirituwal, sa wakas ay lumago ang kanilang ugnayan na nauwi nga sa kasalan. Yun nga lang, ito’y ginanap sa loob ng Mercury Rx.

Gayunpaman, sa kuwento ng buhay ni Venus, masasaksihan natin na kasama sa kanyang paglagay sa tahimik, ang pagpapahalaga nila sa kanilang espirituwalidad. Nais na nga nilang bumuo ng pamilya.

Nasundan naman ito ng pagpapakasal din ni Robi Domingo kay Maiqui Pineda.

Si Robi ay isang VJ, aktor, at host na higit na nakilala sa kanyang pagkamit ng ikalawang pagkakapanalo sa reality TV serye na Pinoy PBB Teen Edition Plus, at sa pagiging bahagi ng Star Magic.

Kahit na ang mga magulang niya ay parehong doktor, at kahit nakapag-aral pa siya sa isang ekslusibong pamantasan, hindi niya itinuloy ang medisina na umano’y binabalak na niyang simulan noong 2013. Mabuti’t hindi sila nagkatuluyan ng isang host din sa Kapalmilya network, dahil marahil sa hindi magandang katauhan nito.

Alam ng mga sumusubaybay sa kanyang karir na may karamdaman ang magiging misis niya, subali’t nagpasiya pa ring pakasalan siya ni Robi. At noong araw mismo ng kanilang kasal, saka pumanaw ang lola nito. Bukod sa pagpapahalaga nila sa pagiging sagrado ng kasal, binabantayan ito ng yumao niyang kadugo. Magandang senyales ito.

Para sa atin na nagmamasid at nakikibalita, ang Venus DM ay nagdadala ng pag-ibig sa lahat ng gustong umibig. Tandaan na ang planetang yan ay ipinangalan sa diyosa mismo ng kagandahan at pagmamahalan.

Asahan natin ang pagbabago sa mga relasyon. Nanaisin natin ang hatak ng pagsasama, pagbubuo, at paglikha. Kasaganaan at pagpapahalaga sa mga bagay bagay na may saysay at magtatagal ang iiral. Samakatuwid, maganda itong panahon na ito sa pag-ibig.

Yun na muna at baka maghanap kayo agad ng kasintahan. Mag Subscribe na lang muna, iLike, at iShare ang channel ko sa YouTube na Nickstradamus Nickstradamus. Libre lang po yan.

Marami kayong aral na mapupulot tungkol sa parehong kababalaghan at batas, lalo na ang mga aasahan at iiwasan sa 2024.

Masaya lagi ang kuwentuhan ng mga Kabunganga Nicksters sa buong mundo na umaabot ng 12 oras.

Hanggang sa muli, isang Mapagpalang Bagong Tao at Light Love and Life sa lahat, lalong lalo na kay R, Namaste!