Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
AS of presstime ay nasa over 2 million views (still counting) na ang official trailer ng Pinoy adaptation ng “My Sassy Girl” since ilabas ito this week.
Pinagbibidahan ang remake na ito ng 2001 Korean hit movie ni Ultimate Multimedia Star na top vlogger na rin na si Toni Gonzaga and comedian Pepe Herrera. In all fairness, sobrang ganda ng chemistry nina Toni at Pepe at ang lakas ng dating ng kanilang unang tambalan.
Makikita ito sa mga eksena nila sa My Sassy Girl. Parehong maganda ang timing sa comedy ng dalawa at swak sila sa ganitong romcom movie. Produced pala ni Toni ang movie nilang ito ni Pepe sa kanyang TinCan at distributed naman ito ng Viva Films at ang kaibigan ng mga Gonzaga na si Fifth Solomon ang director ng film. And in connection with the promo of My Sassy Girl, just recently lang, Toni guested at Wish 107.5 Roadshow. At kinanta nito ang hit song ni Jimmy Bondoc na “I Believe” na themesong ng kanilang movie na palabas na sa cinemas nationwide ngayong January 31, at may Red Carpet Premiere sa SM Megamall Cinema on January 29. Dinumog pala si Toni ng kanyang fans and supporters sa guesting niyang ito sa Wish Roadshow. And so far base sa record ng Wish FM, si Toni ang may pinakamaraming audience.
Yes, napanatili ni Toni hanggang ngayon ang kanyang popularity. Congrats my LOVE Tintin. Kagagaling lang pala nito sa bakasyon sa Dubai kasama ang hubby na si Direk Paul Soriano and their gwapo son Seve and magandang daughter na si Baby Polly also her sister Alex and husband Konsehal Mikee Morada at kanilang dear parents na both famous na rin sa Youtube bilang BOPIN, na sina Mommy Pinty at Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga.
***
Nurse Daughters Ng Pinay Sa US Na Si Ma’am Susan Encarnacion, Parehong Tiktokers
ISA si Ma’am Susan Encarnacion sa members ng aking “Big Ayuda Angels” sa solo vlog ko sa aking YT Channel na PPA ENTERTAINMENT NETWORK and she’s from US. And I think Ma’am Susan can dance well kasi parang namana ito ng both nurse daughters niya na sina Ciara Melle na meron ng over 30K subscribers na million ang views. Matagal ng nurse si Ciara at hindi lang puro sayaw ang ginagawa niya kundi nagkukwento ito ng mga experience niya bilang isang nurse. Kumbaga, tutorial ang isa sa content niya. Bago naman sa Tiktok ang pretty (just like her) sister na si Cheska Suzaine. At mapapahanga ka hindi lang sa ganda nito kundi sa kanyang husay sa pagsasalita at pagiging articulate. She worked from home and Ciara Mell work at the famous hospital in America.
And wow, pati ang daughter ni Ma’am Susan na si Ms. Pretty Gypsy Kay ay nasa social media na rin. Maging ang grand daughters ni birthday celebrant Ma’am Susan na sina Chloe at Kamill na parehong bata pa ay join na rin sa world of Tiktok.
By the way, birthday pala kahapon ni Ma’am Susan. I’m pretty sure, very expensive na naman ang matatanggap nitong gift from her very loving sweet and supportive husband na si Sir Jess. HAPPIEST BIRTHDAY, my Dear Beautiful Ma’am Susan Encarnacion.