Advertisers
NASAWI ang isang pulis at sugatan ang kasamahan nito nang sagasaan ng rumaragasang sasakyan ang PNP Checkpoint sa Silang, Cavite nitong Linggo.
Kinilala ang nasawi na si Patrolmen John Karl Delyola, 27 anyos; habang nilalapatan ng lunas sa Silang Specialist Medical Center l ang kasamahan niyang si Pat. Adriane Atienza, 29, kapwa nakatalaga sa PRO4A –401st Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng nakasagasang SUV na kinilala lang sa alias “RJ”, 22.
Sa report, 2:40 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Aguinado Highway, Brgy. Tubuan2, Silang.
Nagsasagawa ng checkpoint ang mga otoridad nang sumulpot ang SUV na Isuzu D Max na minamaneho ni RJ, sinalpok ang dalawang nasabing mga pulis, tumilapon at nagtamo ng pinsala sa kanilang katawan.
Agad dinala ang mga biktima sa nasabing ospital, ngunit binawian ng buhay si Delyola habang nilalapatan ng lunas ang tinamong pinsala sa katawan.
Sa imbestigasyon, nasa impluwessiya ng alak ang driver ng pick up na si RJ nang maganap insidente.
Sasampahan si RJ ng ksong ‘reckless imprudence resulting to homicide’. (Mark Obleada/Irine Gascon/Koi Laura)