Revenue sa tourist visa extension, tumaas ng 24% – BI
Advertisers
NAKAPAGTALA ang Bureau of Immigration (BI) ng 23.6% na pagtaas sa revenues mula sa tourist visa extensions.
Iniulat ni BI tourist visa section chief Raymond Remigio na ang BI ay nakapagtala ng kabuuang revenue na PhP 1,426,076,164 noong 2023, isang napakalaking pagtaas kumpara sa nakaraang taon.
Sinabi ni Remigio na ang dahilan nito ay ang revived interest sa international travel matapos ang pandemya.
Sinabi naman ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang datos ay sumasalamin sa mga hakbang ng BI na gawing mas madali ang mga regulasyon sa pagbubukas ng mga bagong tanggapan at paglalagay ng online services para mas madali para sa transacting public.
“We are one with the Department of Tourism in their campaign to reinvigorate international travel and tourism in the country,” sabi ni Tansingco.
“Faster and easier immigration service is our contribution to the national government’s efforts,” dagdag pa nito.
Noong 2022, ang BI ay nakapagtala ng PhP 1,153,748,535.50 revenues para sa tourist visa extensions.
Ang mga visa-free nationals ay binigyan ng 30 araw sa kanilang inisyal na pagbisita, na maaari nilang palawigin sa kahit na saang tanggapan ng BI sa buong bansa o maaaring sa online platform ng BI at e-services.immigration.gov.ph. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)