Advertisers

Advertisers

Comelec sinuspinde ang proseso para sa People’s Initiative

0 3

Advertisers

SINUSPINDE ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng proseso na mayroong kaugnayan sa People’s Initiative (PI) na layong maamyendahan ang 1987 Constitution.

Ayon kay Chairman George Garcia, nagdesisyon sila na suspindihin muna ang lahat ng aktibidad na may kinalaman sa PI.

Ani Garcia, kasama sa suspensyon ang hindi muna pagtanggap ng signature forms.



Pag-amin ni Garcia na kailangan ng masusing pagsusuri at pag-amyenda mismo sa mga alintuntunin na gumagabay sa pagsasagawa ng PI.

Sinabi pa ng opisyal na kinakailangan nilang gawin ang hakbang para maiwasan ang kaguluhan at hindi pagkakaintindihan sa interpretasyon ng mga polisiya.



Hanggang noong Enero 26, nakatanggap na ang Comelec ng signature forms ng People’s Initiative mula sa 1,072 lungsod at bayan sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">