Advertisers

Advertisers

Kapitana kinuyog ng nag-iinuman sa Tondo

0 20

Advertisers

SUGATAN ang barangay chairwoman nang kuyugin at batuhin ng bote ng alak ng apat na nag-iinuman kabilang ang tatlong babae sa isang kalye ng kanilang barangay sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Aurea Marie Fernandez, 31 anyos, tserman ng Barangay 158, Zone 14 at residente ng South Trinidad, Tondo.

Mahaharap sa mga kasong Direct Assault, Physical Injuries, Alarm and Scandal at paglabag sa R 5555 o Drinking in Public Places ang mga suspek na sina Rica Mae Tubang, 23; at Denice Ondevilla, 19, kapwa residente ng Juan Luna St., sakop ng Brgy. 149; at sina Richmond Carl Valenzuela, 18; at Richelle Mae Valenzuela, 21, kapwa ng V. Serrano St., Brgy. 158.



Inaresto ang apat na suspek ng mga rumespondeng pulis base sa reklamo ni Fernandez matapos itong pagtulungang atakihin, pagmumurahin at batuhin ng bote.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Jose Abad Santos Police Station 7 (PS-7), 4:11 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa V. Serrano St..



Bago ang insidente, naglalakad ang punong barangay pauwi ng kanyang tahanan kasama ang pamangkin nang madaanan nila ang apat na nag-iinuman sa kalye. Nilapitan siya ni Richmond at sinita hinggil sa isang usapan sa group chat, hanggang sa mauwi sa kanilang mainitang pagtatalo at pisikal na komprontasyon. Pinagbantaan, pinagmumura, at pinagbabato ng suspek ng mga basyo ng bote ang biktima.(J. Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">