Advertisers

Advertisers

Sextortionist maraming binuntis na minors timbog

0 26

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaking sextortionist na bumiktima at bumuntis sa ilang menor de edad sa Iloilo City.

Sa ulat, 10:30 ng gabi ng Biyernes, nadakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Iloilo City Field Unit ang suspek na si John Federick Escare, 28 anyos, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Iloilo City Regional Trial Court (RTC) Branch 6 sa kasong paglabag sa Republic Act 9262, Violence against Women and Children Act of 2004.

Ayon sa pulisya, gumagamit ng iba’t ibang Facebook account ang suspek para kaibiganin ang mga babae at saka iimbitahan ang mga ito kapag palagay na ang loob sa kanya.

Dinadala niya ang mga biktima sa motel kungsaan naka-video ang kanilang pagtatalik. Ginagamit itong pang-blackmail ng suspek para makaulit sa mga biktima at tinatakot ang mga ito na ikakalat ang mahalay na video kapag tumanggi.

Ayon kay Patrolman Kay Becida ng CIDG-Iloilo Field Unit, sinimulan nilang i-monitor ang suspek noong nakaraang taon pero napakaingat nito.

Nagtagumpay ang isa nilang asset na mabitag ang suspek, nakipagsundo rito na magkita noong Biyernes sa isang lugar.

Ilang menor de edad na ang nabuntis nito pero natatakot magreklamo dahil sa kanyang banta.

Nakadetine ang suspek sa CIDG Iloilo.