Advertisers
KULONG ang 50-anyos na lalaki sa reklamong panghahalay sa isang menor de edad.
Ayon sa hepe ng Baseco Police station na si Lt.Colonel Emmanuel Gomez, maghapong pinagsamantalan ni Bobby Arellana ang biktima na nasa edad 12 anyos.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinundo ng nagngangalang “Ate Beth” ang biktima at dinala kay Arellana.
Ayon sa biktima, pinagsamantalan siya ni Arellana at binantaan kapag nagsumbong ito sa kanyang pamilya.
Pinagbawalan din umano siyang lumabas ng bahay ng suspek at hinahampas ng cellphone sa mukha.
Nagkaroon ng pagkakataon ang biktima na makatakas at nagsumbong sa kanyang pinsan, dahilan para maghain ng reklamo sa pulisya.
Ayon pa sa pulisya, ibinugaw sa suspek ang biktima sa halagang P200.
“In her revelations, kapag siya ay tumututol o pumapalag, pinapalo siya ng cellphone,” sabi ni Gomez.
Nang isailalim sa medico-legal report, sinabi ng pulisya na napatunayan ang nasabing panghahalay.
Mariin namang pinabulaanan ni Arellana ang akusasyon.
Mahaharap sa kasong ‘statutory rape’ ang suspek.
(Jocelyn Domenden)