Advertisers

Advertisers

Presidential Decree 1602 ‘di tumalab sa Oriental Mindoro (Part-5)

0 16

Advertisers

MARAPAT lang na imbestigahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Benajamin Acorda Jr., ang direktang paglapastangan at pambabastos sa Anti- Illegal Gambling Act o PD 1602 as amended by RA 9287 dahil mismong mga tagapagpatupad ng batas ang bumabalewala sa batas na ito.

Saan mang sulok sa labing apat na bayan at isang siyudad sa Oriental Mindoro lantaran ang presensya ng sugal tulad ng Jueteng, maging ang mga tradisyunal na PERYAHAN ay hinahaluan na rin ng sugal tulad ng COLOR GAMES, BARAHA at DROP BALL na ang operasyon gabi-gabi na inaabot ng madaling araw nasa pakiwari ko ay walang gobyerno at kaayosan na umiiral sa lalawigan na ito.

Ang masaklap mismong ang mga matataas na opisyal ng PNP ang nangunguna sa paglabag sa batas (PD 1602) dahil sa pagbibigay proteksyon sa gambling operation.



Nangunguna sa listahan ng mga illegal gambling ay itong pamamayagpag ng jueteng, tupada, EZ2, lotteng at mga peryahan na may sugal.

Lahat ng yan imposibleng hindi alam ng naka-upong Oriental Mindoro Provincial Director PCol Samuel Delorino at mga hepe ng bawat bayan sa nasabing lalawigan.



Mistulang walang alam ang bagong talagang si PRO4B Regional Director PBGen Roger Quesada. laban sa mga organisadong sindikato ng iligal na sugal sa kanyang Areas of Jurisdiction.

Kahit saang sulok kayo dumako ay lantaran ang presensiya ng mga iligal na sugal sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz’ Dolor.



Ayon sa gabutil na impormasyon na nakalap natin mga maimpluwensiyang pulitiko at matataas ang ranggo sa PNP ang umanoy nasa likod ng sugal na idinadawit kaugnay sa milyones na ‘protection money’ bilang ‘payola’ at ‘good will’.

Mistulang nagiging kontrabida din ang mga nabanggit na PNP officials sa ibinabang direktiba ni PNP Chief, Benjamin Acorda Jr., na ‘One Strike’ at ‘No Take’ Policy dahil sa naging inutil ang mga ito vs illegal gambling.

Kapag mahigpit na paninindigan ni Acorda ang paglilinis sa kanyang hanay batay sa polisiya ng Philippine National Police (PNP) na “Internal Cleansing” ay sigurado ako na may SASABIT dito na ilang matataas na opisyal ng PNP dahil sa di masugpong operasyon ng sugal.

May kasunod pa!

***

Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com