Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SOLID pala ang friendship nina Vice Ganda at Gladys Reyes.
Sa 20th wedding anniversary party nina Gladys at mister niyang si Christopher Roxas (Sommereux sa tunay na buhay) ay special guest si Vice among other guests.
At espesyal ang speech ni Vice para sa dalawa partikular na kay Gladys.
“Super-happy ako sa inyo,” umpisang sinabi ng komedyante, “nakakatuwa na nag-e-exist pa rin yung mga ganyang love stories sa panahon ngayon.
“Di ba, na parang napaka-imposible ng mga relasyong nagtatagal. Meron at meron pa rin naman talagang mga relasyong nabubuo at hindi nabibigyan ng hangganan.
“Nakaka-inspire, especially sa mga unti-unti nang nawawalan ng pag-asa sa pag-ibig.
“And thank you very much for still considering me as one of your closest friends.
“I am very happy to be very close to you, to have enjoyed so much time with you nung nagsisimula…”
Ayon pa kay Vice ay magkasabay sila ni Gladys na naging hurado years ago sa It’s Showtime.
“First episodes pa lang ng Showtime, magkatabi na kami dun at isa yun sa mga pinaka-enjoy kong moments sa Showtime nung nagsisimula pa lang ako.
“At ever since po, very supportive na sa akin si Gladys. Kahit nung wala na siya sa Showtime, hindi nawawala yung communication namin.
“At sisters talaga kami. Kasi meron siyang karapatang magbigay ng unsolicited advice sa akin anytime.
“Very random moments, magte-text siya sa akin, magme-message siya sa akin kahit alam niyang hindi ako palasagot. Di ako palasagot.
“Pero pag nag-text siya kahit hindi ako palasagot, sasagutin ko siya kahit after two days. Kasi tatalakan niya ako.
“At meron siyang authority gawin sa akin yun. Ganun kami ka-close.
“Kahit sa concert ko, kahit hindi naman normal sa kanya na nagpe-perform sa concert, sinamahan niya ako nung first concert tour ko, nung nagsisimula pa lang ako.
“Bitbit ko siya sa iba’t ibang probinsiya sa Pilipinas, sa Cebu, sa lahat. Kaya ang ganda-ganda ng mga moments namin.
“At very personal ang relationship namin. We have known each other on a very personal level. Hindi lang yung professional, yung magkasama lang sa trabaho.
“Pero malalim yung pagkakakilala namin sa isa’t isa kahit hindi kami laging nagkikita, like araw-araw o maya’t maya, hindi nagbabago yung pagtingin niya sa akin at pagmamahal sa akin, at suporta.
“Kaya nga sabi niya, ‘Siguro naman, sa tanda nating ito, dapat meron na rin tayong project na magkasama. Sana sa next movie ko, kung gagawa ako ng pelikula, magsama na tayong dalawa,’” paglalahad pa ni Vice.
Malaki ang posibilidad na magsama ang dalawa sa pelikulang gagawin ni Vice Ganda sa direksyon ni Jun Robles Lana.
Samantala, kasabay ng wedding anniversary nina Gladys at Christopher ang 18th birthday party ng panganay nilang anak na lalaki na si Christophe Sommereux.
At isa sa highlight ng gabi ay ang sorpresang pagpapapirma ng Star Music kay Christophe bilang contract artist nila.
At hindi nagkamali ang mga bosses ng Star Music dahil napakahusay kumanta at mag-perform onstage ni Christophe.
Isang mini-concert ang ginanap during the party at base sa pagkanta, pagsasayaw at kaguwapuhan ni Christophe ay marami itong patataubing matinee idols at singers.
***
SA unang pagkakataon ay aarte sa harap ng kamera ang Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste (Cheleste kung bibigkasin) Cortesi.
Ipakikilala si Celeste sa season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik na Misis nina Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. at Beauty Gonzalez.
Paglalahad ni Celeste, “This is my first role in GMA so when they talked to me about it, I was just very happy and grateful.
“And, of course, thank you to GMA, thank you to Senator Bong for the opportunity!
“It’s definitely something very different from what I actually do because I’m in pageantry, I’m in modeling.
“And this is my first time to get into acting, but I think this is really the best group and cast that I could ask for.”
During the mediacon ng naturang GMA series na eere simula February 4 ay sinabi rin ni Celeste na hindi pa siya nakakapag-taping para sa kanyang bagong television show sa GMA-7 kaya wala pa siyang makuwento na mga experience niya sa set ng kanilang show, pero nakilala na niya nang personal ang mga co-stars niya sa show.
“I haven’t started my taping yet because it’s gonna be in the next few weeks, but I had the chance of course to meet them during the Christmas party and during the photo shoot.
“They’re such amazing people, so mababait talaga,” wika pa ni Celeste.
Ang iba pang cast members ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay sina Carmi Martin, Raphael Landicho, Ejay Falcon, Nino Muhlach, Liezel Lopez (na lagari sa Asawa Ng Asawa Ko) Maey Bautista, Jestoni Alarcon, Kelvin Miranda, Nikki Co, Angel Leighton, Herlene Budol, Dennis Padilla, Max Collins at marami pang iba.
ito ay sa direksyon ni Enzo Williams.