Advertisers

Advertisers

3 pulis patay, 4 sugatan sa engkwetro sa Samar

0 16

Advertisers

Nasawi ang tatlong miyembro ng Samar Provicial Mobile Force Company at 4 ang sugatan nang maka-engkwentro ang lawless group sa Margarita, Samar, Martes ng umaga.

Sa report, 5:00 ng umaga nang maka-engkwentro ng mga elemento ng Regional Mobile Force Battalion 8 ang miyembro ng Ampoan Criminal Group sa Brgy. Mahayag, Stz Margarita, Samar.

Sa ulat, maghahain ng warrant of arrest ang mga otoridad laban sa suspek na si Edito Ampoan, Jojo Altarejos at Rogelio Macurol ng Brgy Mahayag, Sta. Margarita, Samar na pawang miyembro ng Ampoan Criminal Group.



Namataan ng mga suspek ang paparating na mga operatiba kaya’t pinaputkan ang mga ito.

Gumanti ng putok ang mga operatiba at tumagal ang eng-kwentro ng ilang minuto na nagresulta ng pagkasawi ng 3 pulis at pagkakasugat ng 4 iba pa. Habang nakatakas naman ang mga suspek.



Hindi muna pinangalan ang 3 masawing mga pulis habang dinala ang mga 4 sugatan sa ospital upang malaptan ng lunas.

Nagsagawa ang 1st SPMFC nang pagtugis laban sa mga tumakas na mga suspek. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">