Advertisers
SINIBAK ng Supreme Court (SC) ang tatlong empleyado ng Court of Appeals (CA) nang mapatunayang gumagamit ng iligal na droga.
Ayon sa Per Curiam Decision ng Court En Banc, napatunayan na sina Garry U. Caliwan, Edmundo T. Malit at Frederick C. Mauricio, pawang empleyado ng CA, ay administratively liable dahil sa seryosong kaso ng “Use of Illegal Drugs or Substances under Section 14(o) of Rule 140 of the Rules of Court, as further amended by A.M. No. 21-08-09-SC”.
Nalaman noong 2022, sina Caliwan, Malit at Mauricio ay nagpositibo sa shabu sa isinagawang random drug test ng CA, na kinumpirma ng Labtox Analytical Laboratory, Inc., isang accredited laboratory facility ng Department of Health-Dangerous Drugs Board.
Kasunod nito, nagsagawa ng imbestigasyon ang CA at isinumite ang case record sa Judicial Integrity Board (JIB), na siyang nagrekomenda sa Court En Banc na ma-dismiss ang tatlo sa tungkulin.
Hinarang din ang ginawang early retirement ni Mauricio kungsaan na-forfeit ang kanyang retirement benefits at ang binayaran lamang ay ang naipon na accrued leave credits.
Habambuhay na silang diskuwalipikado sa anumang trabaho sa gobyerno.