Advertisers

Advertisers

10 pulis sinibak sa illegal raid

0 7

Advertisers

Sibak ang sampung pulis na nakatalaga sa Southern Police District (SPD) sa serbisyo nang sampahan ng mga kasong administratibo dahil sa pagkakasangkot sa illegal raid, arbitrary detention ng mga hinuling Chinese sa Paranaque City noong Setyembre ng nakaraang taon.

Base sa dismissal order na inilabas ng National Capital Region Police Office, epektibo nitong Pebrero 12, sinibak sila sa serbisyo dahil sa mga kasong Grave Misconduct; Grave Irregularity in the Performance of Duty; Grave Neglect of Duty; Conduct of Unbecoming of a Police Officer; Less Grave Misconduct at Less Grave Neglect of Duty with Certificates of Implimentation.

Kinilala ang sinibak na sina Police Lt. Jolet Guevarra, hepe ng District Special Operations Unit, ng Southern Police District (DSOU-SPD), Police Major Jason Quijana, Deputy ni Guevarra; Police Major John Patrick Magsalos, Station Commander ng Police Station 2, Tambo Paranaque City; Police Capt. Sherwin Limbauan; PEMS Arsenio Valle; PSSg Mark Democrito; PSSg Danilo Desder Jr.; PSSg Roy Pioquinto; PSSg Christian Corpuz at Police Cpl. Rexes Claveria.



Nag-ugat ang kanilang pagkakasibak sa raid ng tropa ng DSOU ng SPD sa isang POGO hub sa Parksuites condo sa Barangay Tambo sa Paranaque City nitong Setyembre 2023 kung saan nilimas umano ng mga nasabing pulis ang milyon-milyong pisong laman ng vault ng mga Chinese na kanilang inaresto.

Dahil sa reklamo ng mga Chinese ay nagkaroon ng congressional hearing ang Committee on Public Order and Safety kung saan na-cite in contempt si dating SPD director Brig. Gen Roderick Mariano at dating SPD comptroller Police Col. Charlie Cabradilla at ikinulong ng 30-araw dahil umano sa pagsisinungaling sa ginawang mosyon ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo.



Na-contempt din ng Kongreso ng 30-araw na house arrest ang anim na pulis dahil umano sa pagtatakipan at pagsisinungaling.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">