Advertisers

Advertisers

2 nene ni-rape kapalit ng P200

0 8

Advertisers

Isang matandang binata ang ang inaresto nang pagsamantalahan ang dalawang elementary pupil sa loob ng kanyang condo unit sa Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek si alyas ‘Jesse’, 47, nakatira sa Trees Residences, Brgy. Pasong Putik, Quezon City.
Inireklamo si Jesse ng mga biktimang itinago sa pangalang Mary Joy, ng Brgy Pasong Putik, at Alyza Mae, ng Caloocan City, kapwa 13-anyos at Grade 6.

Sa report ng Pasong Putik Proper Police Station 16, ng Quezon City Police District, 11:30 ng gabi (February 12) nang madakip ang suspek sa kanyang unit.



Sa imbestigasyon ni PSSg Claire Lago, inimbitahan ng suspek ang mga biktima sa kanyang condo nitong Pebrero 8, 2024.

Naisama umano ng suspek ang mga nene matapos alukin ng P200.00 at libreng pagkain at pagkatapos ay pinagsamantalahan.



Ang insidente ay paulit-ulit na nangyari hanggang Pebrero 12, hangggang sa malaman ito ng ina ni Mary Joy na agad nagsumbong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">