Advertisers

Advertisers

4 katao sugatan sa sumambulat na butane gas

0 6

Advertisers

LAPNOS ang balat ng tatlong magkapamilya at isa nilang kapitbahay nang magtamo ng second-degree burn nang sumabog ang butane canister na ginamit nila sa pagluluto noong Sabado nang gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Jonel Alburo, 30-anyos; kapatid na si Junie, 19 anyos, anak ni Jonel. 2-anyos at isang kapitbahay na lalaki.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Barangay Upper Tingub, Mandaue City, Cebu habang naghahanda ng hapunan ang pamilya ng mga biktima.



Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, nagkaproblema ang ginagamit na kalan ng mga biktima kung saan nakakabit ang butane gas. Sinubukan pa rin itong ayusin ng mga biktima pero bigla na itong sumambulat.

Dalawa sa mga biktima ang isinugod sa ospital habang ang dalawa pa, kabilang ang bata ay ginagamot sa barangay health center.



Samantala, nagpaalala naman ang Bureau of Fire Protection sa Mandaue City sa publiko na iwasang gumamit ng Butane canister para sa mga indoor stove.

Batay pa sa mga alituntunin ng Department of Energy, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng refilling butane canister sa mga hindi awtorisadong lalagyan dahil sa nakaambang panganib nito na maaaring pag-ugatan ng malaking sunog.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">