Namahagi ng bigas ang tanggapan ni Senator Francis “Tol” Tolentino sa mga kababayan Muslim sa Barangay 649, Baseco, Manila nitong araw ng Sabado, March 9, 2024, bago ang nalalapit na pagdiriwang ng ‘Holy month of Ramadan’.
Katuwang sa pamamahagi ng bigas sa higit 500 pamilyang benepisyaryo ang tanggapan ng Manila Muslim Affairs sa pangunguna ni Director Shey Sakaluran Mohammad.
Sinaksihan ito nina Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto at Councilor Jaybee Hizon, at Nikko Atienza na kumakatawan kay Chi Atienza ng ika-limang distrito ng lungsod.