Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HANGANG-hanga ang netizens sa pagpili ni Bimby Aquino na manatili sa Tate kaysa mag-showbiz.
Noon pa man ay nababalita na ang pagso-showbiz ni Bimby na anak ni Kris Aquino.
Marami na ngang abangers para sa pagbabalik-Pilipinas ng bunso ni Kris.
Pero mas pinili nito na makasama ang inang maysakit para maalagaan ito.
Ikinatuwa ng netizens na manatili si Bimby sa tabi ng ina.
Sa edad nga ni Bimby na16, imbes maranasan nito ang buhay teenager ay di ito ang kanyang priorities.
Kung iiwan nga naman daw ni Bimby ang inang maysakit eh sino pa raw ang makakasama nito.
Ang kanyang Kuya Joshua ay nasa Pilipinas na kaya naman good decision nga raw si Bimby na huwag na tumuloy pabalik ng bansa.
Pinuri si Bimby dahil mas gusto nitong makasama ang kanyang inang maysakit kaysa magbalik Pinas para mag-showbiz.
***
Yasmien kinontra ang bagot sa buhay habang preggy
NASA walong buwan nang buntis si Yasmien Kurdi at ilang tumbling na lang ay ilalabas na ng Kapuso actress ang anak nila ni Rey Soldevilla.
Isa sa ginawa ni Yasmien para hindi malungkot ay nag-aral nga ito ng Culinary Pastry at Baking.
At dito nga niya inilaan ang kanyang oras para di mabagot sa bahay.
Paglilinaw ni Yasmien na wala naman daw itong planong magtayo ng bakeshop kundi dagdag knowledge lang.
Di na rin daw nagawa pang ipa-check nito ang gender ng kanilang magiging anak.
Hiling lang nito ay malusog kahit babae man o lalaki ay okey lang sa kanilang mag-asawa.
Well, well, well… ‘Yun na!