Advertisers

Advertisers

Miles at Elijah nagkabalikan na

0 10

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAGPIRMAHAN na ng kontrata ang Kapamilya at Kapuso Network para sa paglipat ng It’s Showtime sa GMA-7.

Legal nang mapapanood sa noontime slot na iniwan ng Tahanang Pinakamasaya, ang IS simula sa April 6.



Hindi lang ang mga executives ng GMA-7 at ABS-CBN ang nagharap-harap nitong nakaraang March 20 kundi maging ang mga hosts ng It’s Showtime.

Ginanap ang partnership signing between ABS-CBN and GMA sa GMA compound.



Naroroon ang mga host na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Amy Perez, Karylle, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ogie Alcasid, Ryan Bang, among others.

“Thank you so much for welcoming us into your home… Thank you for the historic occasion. We have so much gratitude for you all today. One of the reasons why our partnership has become so successful [is because we have a common goal] in bringing more stories and more programs to as many Filipinos as possible.”



He also extended his gratitude sa It’s Showtime hosts saying: “Thank you for all you do to us and for not giving up,” wika ng ABS-CBN President Carlo Katigbak.

He also expressed his gratitude sa madlang people saying: “Para sa madlang people, salamat sa tuluy-tuloy na pagsuporta niyo sa Showtime.”

Wika naman ng GMA Network CEO Gilberto Duavit Jr., “We are very proud and very happy to have Showtime in GMA. You bring so much joy and so much happiness to many people… Welcome to GMA!”

Aside from GMA, mapapanood pa rin  simultaneously ang IS sa GTV.

Si Anne na isa sa main host ng noontime show ay hindi maitago ang

excitement na magiging part siya ng historic event na ito.

“It has always been our purpose to make our madlang people happy since day one. We can’t wait to introduce ourselves to you our Kapuso. To our GMA family, sobra sobra kaming nagpapasalamat for taking us in,” ani Anne.

***

AYON kay Miles Ocampo, inaayos nila ni Elijah Canlas ang kanilang relasyon.

Balita kasing nagkabalikan na ang celebrity couple.

Katunayan maging ang mga kasama ni Miles sa Eat Bulaga ay naging usap-usapan ang nasabing balikan.

Sa isang panayam sa TV host/actress, pinabulaanan niya na ang actor ang nakitang reflection sa video na binahagi niya na kuha sa bakasyon ng kanilang pamilya sa Hong Kong kamakailan. Hindi niya sinabing sila na uli pero aniya ay inaayos pa nila. “Let’s see, we’re working on it,” ani Miles.

***

Maine pinasalamatan sina Tito Sen at Helen sa tinapa rice

SA IG ni Maine Mendoza, pinost niya ang food na binigay ng mag-asawang  Helen Gamboa at Tito Sotto.

Pinasalamatan niya ang mag-asawa sa thoughful gesture ng mga ito.

“Tinapa rice for us, @arjoatayde! Thank you Tita Helen and Tito Sen. @pinaypole,” ani Maine.

Naku, bakit kaya pinadalhan nina Tito Sen si Maine ng food?”

I smell something fishy huh?!