Advertisers
NANLUMO ang isang Indian national nang magoyo at matangaya ang inipon nitong pera sa bangko ng isang babae sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Jagdish, 42 anyos, Indian national, IT, ng BGC, Taguig.
Kinilala ang suspek na si Yvee, 33, ng Manhattan Heights, Araneta City, Brgy. Socorro, Cubao, QC.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, 3:06 ng hapon (March 21), naganap ang insidente sa isang bangko sa Araneta City, Brgy. Socorro.
Batay sa imbestigasyon ni Cpl Erwin Jay A Mendez, nakilala ng biktima ang suspek sa messenger na nagbebenta ng Ford Territory kaya nakipagtransaksiyon ito at agad nagpadala ng paunang bayad na P20,000 sa G-cash ng huli.
Nagkita ang biktima at suspek sa Cubao, at ipinakita ng babae ang kanyang sasakyan na nakaparada sa parking area kaya nagbigay ng pay to cash check na P400,000 ang biktima para sa advance payment.
Sinamahan ng biktima ang suspek upang i-encash ang tseke sa bangko, at nang makuha ang pera ay iniabot ng babae ang susi ng sasakyan pati ang mga dokumento sa una.
Nagpaalam ang babae na bibili ng pagkain ngunit ilang oras na, hindi pa bumabalik.
Pinuntahan ng biktima ang sasakyan sa parking area pero wala na doon ang Ford Territory na kanyang binili.
Tinawagan ng biktima ang suspek sa cellphone ngunit hindi na ito makontak pa.