Advertisers
NALANSAG ang 3 pang guerilla fronts ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) executive director Undersecretary Ernesto Torres Jr., wala nang active guerilla fronts subalit mayroong 11 weakened guerilla fronts kungsaan 5 sa Luzon, 3 sa Visayas at 3 sa Mindanao.
Subali’t may ilang reports, aniya, kaugnay sa ganap na paglansag sa 2 guerilla fronts sa Visayas at 1 sa Mindanao.
Nagawa, aniya, ang siginificant progress pagdating sa pagnutralisa sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-NPA-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at paghina ng kanilang hanay.
Iniulat din ng ahensiya na mula Enero hanggang Marso ngayong taon, tinatayang 422 NPA members ang nanutralisa.
Nasa 2 rehiyon din ang idineklara ng insurgency free kabilang ang Ilocos, Zamboanga Peninsula,Davao Region at kamakailan lamang ang Surigao del Norte.