Advertisers

Advertisers

Higit P.7m shabu nakumpiska sa 2 construction boy

0 9

Advertisers

ARESTADO ang dalawang construction boy na high value indibidwal sa 111.37 gramo ng shabu sa buybust operation sa Binangonan Rizal.

Sa ulat na nakarating kay Rizal PNP Provincial Director Col. Felipe Maraggun, kinilala ang 2 suspek na sina alyas Odnal, 48-anyos; at Voltaire, nasa hustong gulang at kapwa high value indibidwal.

Dakong 2:30 ng madaling araw ng masakote sa buybust operation na ikinasa ng Municipal Drugs Enforcement Unit ng Binangonan PNP ang mga suspek sa Blk-26, Sto. Niño St., Brgy., Bilibiran.



Narekober sa mga ito ang ilang transparent plastic sachet ng droga na nasa 111.37 grams at nagkakahalaga ng P757,316,00 pesos, buybust money at sampung (10) piraso ng tag-P100 peso.

Nakapiit na sa detention cell ng pulisya ang dalawa at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">