Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI mamatay-matay ang isyu na hiwalay na raw ang celebrity couple na sina Angel Locsin at film produ na si Neil Arce.
Nagbase ang netizens sa hindi pagpo post ng mag-asawa sa socmed.
Kaya mismong ang bff na si Dimples Romana ang nagsabing di totoo ang kumakalat na tsika na hiwalay na ang bff na sina Angel at Neil.
Kungdi man daw active sa pagpo- post si Angel at mister ay di ibig sabihin na naghiwalay na ang dalawa.
Pinatotohanan nitong alagang-alaga ni Neil si Angel at masayang masaya sa piling ng bawa’t isa.
Inasahan naman ni Dimples na sa kanyang pagpalag at pasinungalingang split up ng couple ay matitigil na ang mga sitsit.
***
UMAMIN ang beauty queen-actress na si Michelle Dee sa kwalipikasyon ng isang lalake para ma-inlove ito.
Sagot ni Michelle ‘Masipag, matalino at goal driven.’
Ipinost kasi ni Michelle ang pakikipag date nito sa isang Cebuano lawyer na nakilala nito sa segment ng It’s Showtime, ang Especially For You’, si Oliver Moeller.
Katulong ni Michelle sa pagpili ang kanyang monmy na si Melanie Marquez.
Aba, tila na inlove ang Oliver kay Michelle at gusto pa raw niya malaman ang lahat sa beauty queen actress.
Kaya tanong ng netizens saan kaya aabot ang pakikipag-date ni Michelle kay Oliver na kanyang ibinahagi sa socmed.
Well, well, well… ‘Yun na!