Advertisers

Advertisers

Rica pinagsisihan ang pagpapalaki ng boobs nang maging sexy star  

0 8

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

EKSPLOSIBO ang mga rebelasyon ni Rica Peralejo nang maging guest siya ni Boy Abunda sa programang “Fast Talk.”



Aniya, noong nasa TGIS daw siya ay naging dyowa niya si Red Sternberg pero short-lived lang daw ang kanilang naging romansa dahil binawi niya ang kanyang oo sa actor sa loob lamang ng isang araw na ikinagalit daw nito.

Pinakamatagal daw naman niyang naging karelasyon  ang actor na si Bernard Palanca.



Sey pa niya, marami rin daw siyang natutunan sa pakikipagrelasyon  sa actor dahil malalim ang kanilang pinagsamahan.

Hindi rin niya ikinaila na nagkaroon sila ng relasyon noon ng walang label ni Piolo Pascual.



Katunayan, may silent na usapan daw sila noon na magse-settle down tulad ng ibang couple kaya muntik na siyang pakasalan ng actor.

Pero hindi raw naman nangako sa kanya si Papa P. dahil wala ngang label ang kanilang relasyon.

Aminado rin siyang pinasok niya noon ang pagpapa-sexy pero ang bagay na iyon daw ay bahagi ng kanyang career move.

Isang bagay daw na pinagsisisihan niya ay nang nagpalagay siya noon ng boobs dahil sexy ang branding niya noon na later ay na-realize niya na may epekto pala sa kanyang kalusugan.

Nagsimula raw magbago ang kanyang buhay nang maging Born Again siya.

Napagtanto raw niya ang mga pagkakamali niya sa buhay at pinagsisihan ang lahat ng kanyang mga kasalanan.

Naging daan din daw ito para talikuran niya ang kanyang mga bisyo noon.

Marami rin daw siyang pagsubok na pinagdaanan tulad na lamang ng kanyang pagkakaroon ng miscarriage ng tatlong beses.

Sa ngayon, happy daw siya sa pagiging vlogger at hands-on mom sa piling ng kanyang asawang pastor at mga anak.