Advertisers

Advertisers

PAYASO SI BEBOT

0 21

Advertisers

NATAWA kami sa hiling ni Bebot Alvarez, dating ispiker ng Camara de Representante, sa AFP. Bawiin ang suporta sa Commander-in-Chief upang tuluyang bumaba umano sa Malakanyang si BBM. Hindi namin alam kung nasa katinuan ng pag-iisip si Bebot.

Kapag nagbitiw si BBM sa panguluhan, muling babalik ang mga Duterte sa puwesto. Mauupo si Sara bilang pangulo. Makikinabang ang mga Duterte at Tsina sa kanilang pagbabalik. Hindi nalilimutan ng AFP kung paano ibinenta ng mga Duterte ang Filipinas sa Tsina.

Hindi nila ipinatupad ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Estado Unidos at Filipinas. Ipinagbawal ng mga Duterte ang patrulya ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea. Hinayaan nila ang Tsina na magtayo ng base militar sa mga isla na nasa loob ng WPS.



Hindi lang iyan. Itinuring nila “isang piraso ng papel” ang panalo ng Filipinas sa United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS) at hindi pinangatawan ng gobyerno ni Gongdi ang desisyon ng UNCLOS na hindi pag-aari ng Tsina ang halos kabuuan ng South China Sea na kinakamkam ng Tsina at sinasabing kanilang pag-aari.

Hindi nakalimutan ng AFP ang kataksilan ni Gongdi sa bayan. Ipinagkanulo ni Gongdi ang bansa sa kapakanan ng Peking. Hindi lang iyan. Alam ng AFP na peke ang digmaan ni Gongdi kontra droga. Iniutos niya na patayin ang mga sangkot sa droga dahil hindi sila lumaban. Alam ng Sandatahang Lakas na kinaya ni Gongdi ang mga walang lakas na lumaban.



Paano aalisin ng AFP ang suporta kay BBM kung alam nila na babalik ang matinding nakawan sa gobyerno kung babalik ang mga Duterte sa poder. Hindi nalilimutan ng mga sundalo ang P6.6 bilyon iskandalo sa Pharmally at ang bilyong pisong halaga ng shabu na ipinasok ng mga Duterte ssa panahon ng kanilang panunungkulan.

Hindi baliw ang mga sundalo upang pulutin ang bato at ipukpok sa kanilang ulo. Nangangarap lang si Bebot. O nagpapatawa. Hindi siya papatulan ng mga sundalo. Hindi sila magpapakamatay para kay Duterte. Hindi sila nasisiraan ng bait.
*
MALAMAN ang sagot ni Prof. Renato de Castro sa malaman na tanong sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant.



MAGANDA ang tugon ni Prof. Renato de Castro, isang akademiko ng Dept of International Studies ng De La Salle University, sa tanong ng inyong lingkod kung ang pagbubuklod-buklod ng mga bansang malaya at demokratiko ay maaaring mauuwi sa alyansang militar upang maging bersyon ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Asya. Nababatay ang sagot sa aking tanong sa iaasal ng China sa susunod na panahon, ani de Castro sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Kyusi. Kung magiging panganib ang Tsina sa Silangang Asya, hindi malayo na maging alyansang militar tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), and kumpol ng mga bansa sa Silangan Asya.

Kung babawalan ng Peking ang malayang paglalayag ng mga sasakyang pandagat ang mga sasakyang pandagat ng maraming bansa na gumagamit sa South China Sea sa paglalayag ng kanilang mga kalakal, hind malayo na maging military alliance ang mga nagbubuklod na bansa sa rehiyon, ani de Castro. Malaking bahagi sa sagot sa tanong ay batay sa ikikilos ng Tsina sa rehiyon, ani de Castro, isang propesor sa De La Salle University.

Ani de Castro, nabuo ang NATO nang lumakas ang Unyon Sobyet at nagpasabog ito ng atomic bomb nong 1949. Nagsimula noon ang Cold War, aniya. Tumugon ang mga malayang bansa sa pangunguna ng Estados Unidos sa hamon ng panahon at binuo ang NATO bilang alyansang militar ng mga malayang bansa sa Europa. Maaring maulit ito kung hindi magiging maayos ang ikikilos ng Tsina, aniya.
***
NAKAKATAWA ang asal ng ilang senador tungkol sa “gentlemen’s agreement” sa pagitan ni Gongdi at Xi Jinping. Ayon kay Francis Tolentino (nangingilabot kami tawagin siyang senador dahil batid namin na hindi siya karapat-dapat na mambabatas), walang sapat na batayan upang siyasatin ang kasunduan umano ng dalawang nilalang.

Kahit hindi aminin ni Tolentino na isa siyang tuta ni Gongdi, hindi “binding” ang kasunduan umano ng dalawang bansa. Wala itong bisa at hindi0l maaaring gamitin upang pilitin ang Filipinas na ibigay ang Ayungin Shoal sa Tsina. Iyan ang dapat aminin ni Tolentino. Hindi kami sang-ayon sa kanyang sinasabi na pawang pabor sa Tsina.

Hindi rin inuumpisahan ang pagsisiyasat sa resolusyon ni Robin Padilla (hindi rin namin maatim na tawagin siyang senador at totoong nangingilabot kami) tungkol sa serye ng tinawag niyang “disinformation” campaign sa West Philippine Sea. Si Robin lang ang gumamit ng salitang disinformation sa mga ulat ng Philippine Coast Guard at mga mamamahayag na naglayag sa WPS. Hindi namin alam kung may batayan ang sinabi ni Robin dahil hindi siya kilala sa angking katalinuhan at galing.
***
USO talaga ang komedya sa paligid. Isa si Harry Roque na nagpapanggap na “nabudol” umano ni BBM noong nakaraang halalan. “Ibinigay” niya umano ang lahat upang manalo si BBM. Susmaryosep, nagpapanggap na magaling si hariruki. Hindi siya binigyan ng puwesto ni BBM sa gobyerno at nagsabing nabudol na siya.

Nag-aaply si hariruki na maging gabinete ni BBM. Nais niyang maging presidential spokesman. Ngunit walang nakikitang galing kay hariruki. Wala rin kasing itinatagong galing. Hindi siya pinili dahil hindi siya kailangan ni BBM. Mas kailangan siya ni Gongdi at batid ng gobyerno ni BBM na kay Gongdi ang kayang katapatan. Hindi katanggap-tanggap si hariruki upang mapabilang sa Gabinete.

Nakakadiri si hariruki. Nakakatawa rin. Walang mapuntahan kundi kay Gongdi. Walang tumanggap sa kanya. Hindi siya makabalik sa pagiging lehitimong akademiko dahil hindi na siya pinagtitiwalaan. Pagtatawanan lang ang alinmang pamantasan na tatanggap sa kanya sa pagtuturo ng mga law subject.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “The attempt to develop a sense of humor and to see things in a humorous light is some kind of a trick learned while mastering the art of living.” – Viktor Frankl, psychotherapist, may-akda ng aklat

“The most beautiful experience we can have is the mysterious. It is the fundamental emotion that stands at the cradle of true art and true science. Whoever does not know it and can no longer wonder, no longer marvel, is as good as dead, and his eyes are dimmed.” – Albert Einstein
***
PATAWA:
Q: Ano daw sa kapampangan ang Artificial Intelligence?
A: Hey Hay. – Ray Enano

Email:bootsfra@mail.com