Advertisers
Nasawi ang 29-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang nasa kalagitnaan ng pagsasayaw sa isang covered court sa Dumanjug, Cebu nitong Lunes ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Josephus Davis Castillo, 29, ng Brgy. Salagmaya Dumanjug, Cebu.
Samantala patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng salarin na agad tumakas matapos ang pamamaril.
Sa report, 3:00 ng madaling araw ng maganap ang pamamaril sa isang covered court kung saan idinaos ang pasayawan kaungay ng pagdiriwang kapistahan sa Brgy. Bitoon, Dumanjug, Cebu
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan nang tumakas na salarin at ano ang motibo ng pamamaril.(Mark Obleada)