Advertisers

Advertisers

2 mag-utol patay sa bumanggang kotse sa center island

0 16

Advertisers

Patay ang dalawang magkapatid, na parehong lasing, nang bumangga ang kotse sa center island ng highway sa tapat ng isang shopping mall sa Butuan City nitong Sabado ng madaling araw, April 27, 2024.



Sa ulat nitong Linggo ng Butuan City Police Office, parehong agad na namatay sina Renante Gavino Elisan, 47-anyos, seaman; at kapatid na si Frederick Gavino Elisan, 44-anyos, sanhi ng naturang aksidente.

Ayon sa mga imbestigador ng Butuan police command, ihahatid na ni Renante ang kapatid na si Frederick sa kanilang tahanan sa Ram City Homes sa Brgy. Libertad, Butuan City nang mawalan ito ng control sa sasakyang minamaneho kaya bumangga sa center island sa isang bahagi ng kalyeng J.C. Aquino, aksidenteng nagsanhi ng kanilang agarang kamatayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">