Advertisers

Advertisers

Deadline ng submission ng documentary requirements sa ‘Kasalang Bayan 2024’ sa April 30 na – Mayor Honey

0 38

Advertisers

PINAALALAHANAN ni Mayor Honey ang lahat ng registrants sa ‘Kasalang Bayan 2024’ sa Hunyo na ang deadline ng submission ng documentary requirements ay bago ang araw ng Martes o sa mismong April 30, 2024.

Ayon kay Lacuna walang gagastusin ang mga couples na matagal ng nagsasama pero walang pera para magpakasal sa simbahan sa mass wedding na gaganapin sa June 15, 2024 bilang bahagi ng mga activities para sa ‘Araw ng Maynila’ sa June 24.

Nabatid na matagal ng nag-i-sponsor si Lacuna ng mga libreng kasal sa mga long-time partners simula nang siya ay maging vice mayor.



Simula pa nang ianunsyo ito noong Enero, ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Manila Civil Registry Office (MCRO) sa pangunguna ni Encar Ocampo, ay nagsimula ng tumanggap ng registrants ng first-come, first-served basis. Ang deadline ay nitong April 26, 2024.

Sinabi ng alkalde na ang mga nakapagrehistro ay kailangang makipag- coordinate sa MCRO sa Room 117, Ground Floor, Manila City Hall Arroceros St. Ermita Manila at kumpletuhin ang kanilang requirements, at sinabing tanging ang mga nag-comply lang ang siyang i-entertained.



Ang mga applicants para sa libreng church wedding ay itinakda sa hanggang 100 couples lamang, habang sa kaso ng civil wedding, ay bilang ng couples ay higit pa sa nasabing bilang.

Napag-alaman kay Ocampo at base na rin sa order ng alkalde, ang libreng kasal ay kinabibilangan ng libreng marriage license, wedding cord and veil, flower bouquet, arrhae (wedding tokens), reception and venue, wedding rings, church marriage at wedding service.



Ang parehong civil and church wedding applicants ay kailangang magprisinta ng certificate of no marriage (CENOMAR), marriage license na inisyu ng Manila Civil Registry at affidavit of cohabitation (para sa edad 23 o pataas na nagsasama na Sila sa loob ng limang taon at may anak o mga anak) , birth certificate ng mga anak children, birth certificate at valid identification card na may Manila Address (government-issued).

Ang church wedding registrants naman ay required na mag-produce ng karagdagang documents: ? baptismal certíficate, ??confirmation certíficate, ?marriage banns (para sa mga hindi sakop ng parokya ng Intramuros, interview/ church seminar). (ANDI GARCIA)