Advertisers
Ni JOVI LLOZA
LAKING tuwa ng netizens nang makita na ang kanilang idol na si Angel Locsin sa social media.
Kumalat ang pics sa socmed kung saan nakaupo ito sa mesa na tila kaarawan ng aktres.
Matagal tagal din kasi na di nasilayan ang aktres sa pelikula at telebisyon.
As in, gulat naman ang netizens at nanibago sa hugis ng katawan ni Angel.
Di na nga nakita sa kanyang pangangatawan na balingkinitan at seksing seksi.
Nakakuha ng dahilan ang netizens kung bakit di na visible kahit sa socmed lang si Angel.
Pero ang isang larawan nito na naipost sa socmed ay hindi nga sila makapaniwala dahil grabe ang inilapad ng katawan ng aktres.
Kahit noon pa ay na-body shaming na ito dahil sa pagtaba pero ngayon daw ay dumoble ang lapad ni Angel.
Marami ang nanghihinayang sa pagtigil ni Angel sa showbiz na tunay na na-miss ng kanyang mga tagahanga
***
Julia may natutunan sa split up kay Joshua
SOBRANG open sa relasyon sina Julia Barretto at ex-bf na si Joshua Garcia.
As in, wala na silang naitatago at lahat ay naka-public sa socmed.
Marami na nga raw nanghimasok at nangialam sa kanilang personal na buhay.
Na ayaw na nitong mangyari sa second bf na si Gerad Anderson
Pansin na ‘di masyadong nilalatag ng magdyowa kung anong ganap sa kanila.
Although alam ng lahat na sila ni Gerald pero walang ganap sa couple.
Dama ni Julia na kapag di masyadong bukas sa lahat ng detalye ay less nga raw na may mangialam.
Kahit public ang relasyon nila ni Gerald ay feeling pribado ang kanilang lovelife na masarap nga raw sa pakiramdam na walang nanghihimaaok.
Inamin ito ni Julia sa pagsalang sa vlog ni Toni Gonzaga na may malaki itong natutunan sa past relationship kay Joshua na ayaw nitong matulad sa current bf.
Well, well, well…’Yun na!