Advertisers

Advertisers

Julia umamin, lodi si Toni

0 10

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AYON kay Julia Barretto, marami siyang hinarap na pagsubok  hindi lang sa kanyang personal na buhay kundi maging sa kanyang karera.

Taong 2019 nang nabugbog siya ng mga intriga at bashings dahil siya ang itinuturong third party sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.



Nilinaw naman niya na wala pa silang relasyon ng nobyong si Ge noong mga panahong iyon.

“Hindi kami no’n. I can’t say that he’s a partner to me. We don’t have a partnership so he didn’t have an access to my family also. So we navigated this in our own ways,” paliwanag niya.



Hindi rin naman kaila na nagkaisyu siya sa relasyon nila ng kanyang amang si Dennis Padilla to the point na minsan ay naakusahan siyang masamang anak.

Gayunpaman nalagpasan daw niya ang lahat dahil mas pinili niyang huwag magpaapekto sa mga intriga.



“I was just 22… I don’t know If I did that for myself or did it for the people around me. Like for the people who are really hurting for me. Kasi ‘pag ikaw naman ‘yung nasasaktan, kaya. Pero ‘pag ‘yung nasa paligid mo na, please! why are you allowing this? ‘So may be that’s for them”, aniya.

“Siguro iyong phase na yun at 22 I was so sure that ‘wait! this is not the end of my world. Hindi ako magmumukmok, we’re gonna keep going,” dugtong niya.

Binanggit din niya sa ” Toni Talks” na hindi naman niya inaabsuwelto ang sarili sa mga pinagdaanan niya dahil malamang ay may nasaktan din siyang tao nang hindi sinasadya.

“Siyempre, ako personally, may naging role ako in somebody else’s pain in other people’s pain in the same way they also have contributed to my pain but I think, you know na okay ka na when you’ve acknowledge na I have a role in this. Baka may shortcomings din naman talaga ako. Baka I really did something that hurt somebody,” bulalas niya.

Sey pa niya, naging lodi daw niya ang pagiging matatag at unbothered ni Toni Gonzaga sa naging approach nito sa kanyang bashers noon.