Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
KUMPIRMADONG papasukin na ang mundo ng pulitika ni Joaquin Domagoso. Kinumpirma na sa amin ng isang malapit sa mga Domagoso ang pagtakbong kunsehal ni Joaquin sa unang distrito ng Maynila.
Si Joaquin ay anak ng aktor at dating mayor Francisco “Isko” Moreno.
Susundan ni Joaquin ang tinatahak ng amang si Isko.
Matandaang sa showbiz nag-umpisa si Isko bago pumalaot sa pulitika. Naging 3 termer councilor then tumakbong Vice Mayor and naging alkalde ng Maynila na kung saan napaganda niya nang husto ang capital city ng Pilipinas.
Hindi malayong maging ganun na rin ang kapalaran ni Joaquin na ngayon pa lang ay pinagkakaguluhan sa lahat ng mga iniikutang lugar sa Tondo.
Samantala, pinagtanggol ni Joaquin ang amang si Isko sa isyung “puppet” ang dating mayor ng isang makapangyarihang incumbent politician, huh!
Sa latest vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Biyernes, Abril 26, Ito ang mga naging kasagutan ni Joaquin sa isyu.
“Papa ko, hindi puppet. Papa ko ang mastermind ng lahat. Siya ‘yong nag-iisip. Siya ‘yong nag-wowork Monday to Sunday. Hindi siya ‘yong matutulog na ‘bukas vacation muna ako. Punta muna ako rito.’ Hindi. ‘Kahit nasa bakasyon ako, hindi ako nakakapag-enjoy sa bakasyon,’” sey pa ng batang Moreno.
Dagdag pa ni Joaquin na mahilig magplano nang magaganda para sa mga constituents nito si Isko.
“Gano’n siyang tao. Mahilig siyang gumawa ng maganda. At masasabi niya: ‘nakatulong ako. Naibigay ko ‘yong mga hindi ko natikman, naibigay ko sa ibang tao,’” banggit pa ni Joaquin.
Lagi raw naririnig ni Joaquin at pina parinig sa kanya ang mga pinagdaanang buhay bago narating ang anumang kinatatayuan nito sa ngayon.
“Lagi niyang sinasabi, noong kabataan niya never niyang nagawa ‘to. Never siyang nakapag-aral ng private school. Nag-public school siya, mainit. Walang aircon. Ngayon pupunta kang Almario Elem. School (kung saan nag aral ng elementary si Isko) may aircon na sila.
Pupunta kang gan’to, may gymnasium na sila.”
Ayon pa kay Joaquin ay wala pa rin daw plano sa ngayon ang ama kung babalik sa pulitika na kahit sobrang dami ang lumalapit kay Isko for him to run again as Manila City Mayor, huh!
***
KUMPIRMADO na rin ang pagbabalik telebisyon ni Willie Revillame sa Kapatid Network at Media Quest Ventures para sa bagong partnership.
Ginanap ang naturang pagpirma ni Willie last April 26 na present ang mga bossing ng TV 5 kasama sina presidente ng MediaQuest Holdings and Cignal TV na si Jane Basa, TV5 President Guido Zaballero, MediaQuest Holdings CFO John Andal at Sienna Olaso.
Pinasalamatan naman ni Willie unang una si Manuel V. Pangilinan sa panibagong second chance na ibinigay sa kanya, huh!
“Alam ko namang may doubt pa rin, but you have to understand syempre ‘yung mga pinagdaanan ko at alam niyo naman ‘yung pinagdaanan ko sa ibang channel.”
“Pero no regrets kung ano mang channel akong mapunta,” paliwanag ni Willie.
Hindi rin naman nakalimutan ni Willie ang pasasalamat niya sa dating network, ang GMA, pati na rin sa mga executives ng dating pinaglingkurang TV network.
Nangako naman ang TV host na handa na raw siyang magbigay ng tulong sa TV5 sakaling kailanganin siya ng network.
“Hindi lang ‘yung bagong programa ko ang aalagaan ko, even TV5,” pangako niya.
“Kung anong maitutulong ko sa TV5, kung anong creativity, ideas, kahit walang bayad I’m willing to do that.”
From Willie rin mismo natin nalaman na hindi na nila gagamitin ang titulong “Wowowin,” pero magkakaroon pa rin siya ng game show.
Sa ngayon daw ay nagbe-brainstorming pa rin sila sa magiging bago niyang programa, huh!