Advertisers

Advertisers

Joel umabot sa P54-M ang nagastos sa Russian mom ng 8 kids

0 55

Advertisers

Ni BETH GELENA

ANG laki ng nagastos ni Joel Cruz para sa surrogacy ng kanyang walong anak.
Nasa P54 million daw ito kung saan ay iisa lang kanilang ina.
Isang Russian girl ang napili ni Cruz na magdala ng kanyang binhi.
Ngayon ay malalaki na ang mga bata -Prince Sean, Princess Synne, Prince Harvey, Prince Harry, Charles, Charlotte, Zaid, at Ziv.

Ayon sa Lord of Scents, alam daw ng kanyang mga anak ang true identity ng kanilang Russian mother.
Ayon sa panayam sa kanya ni Carmina Villarroel, una raw ay natakot siyang sabihin sa mga anak kung nasaan ang kanilang ina.
“Dati kinakatakutan ko ‘yun noong bago pa lang ‘yung mga bata, ‘yung maliliit pa lang sila. Parang 3 years old ‘yung first set of twins, tinanong ako, sabi niya where’s mommy? Kinabahan talaga ako, ito na, ito na yata ‘yun.”

Ang mga anak ni Joel lahat ay mula sa iisang surrogate named Lilia from Russia.
Aniya, sobrang nerbiyos daw siya nang sabihin sa mga anak ang buong katotohanan.
“She’s in Russia sabi kong ganoon. Sabi niya okay, so wala ng follow up questions. Sabi ko okay hanggang doon na lang tayo kasi hindi na sila nagtatanong e.”
Pwede raw naman niyang dalahin ang mga anak sa kanilang ina kung gusto ng mga ito.
“Kung gusto nilang makita, they have the freedom, we can go there, they can meet their mom.”

Lahad pa ni Joel, “Ikinukuwento ko naman kasi sa kanila na ‘yung mommy nila she’s very generous, she’s very caring sa akin, na pinagbigyan niya ako magkaroon ng anak. Pero ang alam nila ‘yung mommy nila may daddy, pamilya sila, may anak siya. Talagang tinulungan niya lang ako para magkaanak. Alam nila ‘yun na ganoon ang sitwasyon namin. May pamilya talaga ang mommy nila doon.”
Inamin din niyang may money involved kung bakit sila pinanganak.
“Alam din nila na may money involvement, sinabi ko rin ‘yun. Para malaman nila na ganito ang katotohanan. Ayoko kasi magsikreto, e.”
“Kagaya nito, na-interview mo ako, alam ng tao lahat ng buhay ko. Ayoko na may manggaling sa ibang tao, na nagsinungaling ako,” dagdag pa niya.

***
DIWATA MULING NAKATANGGAP NG REGALO SA PHILANTHROPIST
HINDI na mapigilan ni Diwata ang swerteng dumarating sa kanya.
Imagine, may bago na naman siyang biyaya.
Nakatanggap siya ng bahay at 1M pesos mula kay Rosmar Tan.
Naiyak si Diwata matapos ipakita ni Rosmar ang mga regalo para sa kanya. Personal na pinuntahan ni Rosmar sa paresan si Diwata upang ihatid ang regalo na aniya ay magpapabago talaga ng buhay nito.
Bukod sa bahay, binigyan ni Rosmar ng 1M at pangkabuhayan products na nagkakahalaga din ng isang milyon ang may-ari ng paresan.

May mamahaling aso at lifetime supply ng pagkain ang binigay ni Rosmar nang malamang pet lover din si Diwata. Umabot raw sa P5 million pesos ang kabuuang itinulong ni Rosmar.
Naiyak si Diwata sa kaligayahan at pasasalamat sa natanggap na tulong mula sikat na YouTuber/influencer.

Komento nga ng isang netizen, “sana ol.”
Sino nga ba naman mag-aakalang ang taong isang kahig isang tuka ngayon, ay isa nang tanyag na businessman na nag-umpisa sa maliit na halaga lamang.
Sa aming pagkakaalam ay sa P100 lang nag-umpisa ang kanyang puhunan.
Super sikat na nga si Diwata kaya ang dami niyang basher na sinisiraan ang kanyang paninda.