Advertisers

Advertisers

Luis di makampante kaya nagpa-biopsy ng tumubong nunal sa ulo

0 40

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA pagbabahagi ni Luis Manzano sa kanyang Vlog ay nababahala raw siya.

Alam daw ng TV host-actor na marami itong nunal sa lahat ng parte ng kanyang katawan.



Pero may isa raw nunal sa bandang itaas ng kanyang ulo na tila lumalaki.

Kaya naman dahil dito ay pinatingin muna niya ito sa Belo Clinic na kanyang derma at sinabing ito nga ay lumalaki.



Suggest daw kay Luis na ipa-check na ang kanyang nunal sa surgeon.

Kahit nga ang kanyang hair and make up artist ay napansin ang malaki na nitong nunal sa ulo.



Dumaan sa biopsy si Luus para malaman kung ang lumalaking nunal ay malignant o benign.

Kampante naman daw sina Luis at Jessy Mendiola nang malaman ang result ng Biopsy ay Benign.

***

ANDI AT PHILMAR FAKE NEWS NA HIWALAY NA

DAHIL sa pagtigil ng kasalan sana ngayon ng partners na Andi Eigenman at Philmar Alipayo, kumakalat ang fake news na divorced na raw sila.

Halatang fake news dahil wala namang diborsyo sa Pinas.

LÑoon pa naman inanunsiyo ng couple na planado na raw na now na silang taon magpapakasal.

Pero sa di inaasahang pangyayari ay namatay ang nanay ni Andi, ang mahusay na aktres na si Jaclyn Jose.

Dahilan nga para di na muna nila ituloy ang kasal dahil sa nagluluksa pa sila at napagdesisyunan nina Andi at Philmar na after ng babang luksa na ituloy  ang kanilang kasalan.

Paglilinaw pa ni Andi na walang hiwalayang naganap at nagsasama pa rin sila ni Philmar kahit di pa  kasal.

Well, well, well… ‘Yun na!