Advertisers

Advertisers

Vilma bokya sa nominasyon sa Famas ang pelikula

0 16

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

BONGGA ang paghahanda Ng pamunuan para sa 72th FAMAS na gaganapin sa Manila Hotel sa Mayo 26.

Sa talaan ng nominasyon, kapansin pansin ang mga pelikulang kalahok sa nakaraang Metro Manila Film Festival (2014) ay mula sa pagganap at iba pang aspetong teknikal gaya ng Mallari, Gomburza, Firefly, Rewind, A Family of Two, Becky & Badette maliban sa pelikula ni Vilma Santos na butata sa nominasyon.



Ang When I Met You in Tokyo ang nagbigay ng best actress Kay Vilma sa MMFF (2024) at first Manila International Film Festival.

Hindi nominado si Vilma as best actress sa FAMAS dahil Hall of Famer na siya.



Ang nakagugulat, “butata sa nominasyon” ang When I Meet You In Tokyo.

Samantala, wala rin sa talaan na bibigyang parangal si Vilma sa Gawad Cultural Center of the Philippines.



Inaabangan kung mano-nominate si Vilma na National Artist para sa category na Broadcast Media and Arts e ilang beses na naligwak si Vilma sa evaluation sa NCCA.

***

ALFRED VARGAS NOMINADONG BEST ACTOR Sa FAMAS

ANG pelikulang PIETA ay hindi nakapasok sa MMFF last year pero ipinalabas sa mga paying  review venue nuong Disyembre kaya kwalipikado ito para sa mga award giving bodies gaya na FAMAS na nominado si konsehal Alfred Vargas bilang best actor at si Gina Alajar bilang best supporting actress at best screenplay si Gerry Gracio.

Si Nora ay di na sinama sa nominasyon sa best actress dahil Hall of Famer na rin siya.