Advertisers
NAKALIGTAS ang King’s Montessori School sa lupit ng National University-Nazareth School, 25-18,24-26,25-23,25-22, para ibulsa ang bronze medal sa 2024 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League sa Adamson University Gym main court Linggo.
Pinamunuan ni Shekaina Lleses ang Vikings sa iniskor na 28 points, kabilang ang siyam sa fourth quarter, habang ang kanyang kapatid Shahana bumakas ng 14 points.Justine Decena at Kriska Gindap nag-ambag ng seven at six points, ayon sa pagkakasunod.
Diza Berrayo umiskor ng 22 points,habang si Joseline Salazar at mardy Tayag bumakas ng 12 at 11 points.ayon sa pagkakasunod para sa lady Bullpups, na dinuplika ang kanilang fourth-place finish nakaraang taon.
Samantala, ang Far Eastern University-Diliman dinaig ang Arellano University, 25-18,25-23,25-19,para lumapag sa fifth.
Riane Alonzo may nine attacks at two aces,habang si Shiela Pascual at Clarisses Loresco umiskor ng tig-10 points para sa FEU.