Advertisers
KINUHA ng Charlotte Hornets si Kemba Walker na miyembro ng coaching staff Miyerkules, isang araw matapos ianunsyo ang kanyang retirement sa NBA.
Ang four-time All-Star point guard, Walker ay tinalagang player enhancement coach sa bagong head coach Charles Lee.
Inanunsyo ng Hornets sina Lamar Skeeter,Josh Longstaff,Chris Jent, Blaine Mueller, Ryan Frazier, Matt Hill at Jermaine Bucknor as Lee’s assistant coaches, habang si Skeeter ang kanyang lead assistant. Skeeter na lumustay ng 10 seasons sa Utah Jazz ay inakyat sa top assistant.
Walker ay napili No.9 overall ng Hornets sa 2011 draft.
Naglaro siya ng eight seasons sa Charlotte bago lumagda ng apat na taon,$141 million contract noong Hulyo 2019 bilang bahagi ng sign-and-trade deal sa Boston Celtics.
Matapos ang 2 seasons sa Celtics, inikot niya ang boung NBA at na trade and released ng dalawang beses bago tinapos ang kanyang career ng maiksing panahon sa New York Knicks at Dallas Mavericks.
Walker ay naglaro overseas sa Monaco noong 2023-24 season at tinapos ang kanyang career may average na 19-3 points, 3.8 rebounds at 33.1 minutes sa 750 games (697 starts).
Nagtala siya ng four straight All-star nods mula 2017-20, at naging All-NBA third team para sa 2018-19 season.