Advertisers
GINULAT ng Gilas Pilipinas ang world No.6 at host Latvia,89-80, sa FIBA Olympic Qualifying Tournament 2024 sa Riga, latvia Huwebes ng gabi.
Ang Filipinos, na ranked No.37th sa mundo, ay sinimulan ang laro sa mainit na 8-0 run, abante ng 18 puntos sa ikalawang yugto sa pamumuno nina Justin Brownlee,Kai Sotto at June Mar Fajardo.
Nakipaglaban ang host team sa ikaapat na yugto para pababain sa 21-point lead, 71-56, 10 puntos na lang pero kinumpleto ni Brownlee ang crucial four-point play na nagbigay sa Gilas ng 85-71 lead sa nalalabing 3;29.
Matapos magwagi ng gold sa Asian Games noong 2023 matapos ang 62 taon, Gilas Pilipinas ay muling gumawa ng kasaysayan sa ilalim ni head coach Tim Cone, nakamit ng Pilipinas ang kanilang unang tagumpay laban sa European team sa loob ng 64 years.
Ayon sa FIBA website artice, huling nagwagi ang Pilipinas kontra European team ay noong 1960 Olympic Games laban sa Spain, 84-82 pabor sa Pilipinas.
Pinamunuan ni Brownlee ang opensiba ng Pilipinas sa iniskor na 26 points,nine rebounds at nine assists habang si Kai Sotto nagtala ng 18 points at Dwight Ramos nagdagdag ng 12 markers.
Ang susunod na makakalaban ng Gilas Pilipinas ay ang Georgia na lumasap ng 55-83 loss sa Latvia Martes.