Advertisers

Advertisers

Tagumpay ang Timeless 2

0 27

Advertisers

Ni Nick Nañgit

MARAMING nagsasabi sa akin na isang malaking tagumpay ang ginanap na libreng konsyerto para sa publiko nito lamang Hunyo 29, 2024, Sabado, alas-dos ng hapon sa Bulwagang Gat Antonio Villegas ng lungsod ng Manila – ang Timeless 2!

Maraming salamat po!



Unang-una, sa mga nakasama kong sikat na manlilikha ng musika na sina Joy Nilo, ang napakahusay na konduktor ng multi-awarded Pangasinan Provincial Chorale; Aristotle Molina, tenor; Krissan Manikan-Tan, mezzo soprano; Mark Joshua Fabic Morales, isa ring tenor; Xeric Tan, violinist; Crizel, R&B Jazz singer; Rapha Rosales; isa pang tenor; at Abby, ang interpretative dancer ng Ramon Obusan Folkloric Group.

Pangalawa, kina Tito Boy Abunda; Vice Mayor Yul Servo Nieto na dumalo sa aming paanyaya; Gng. Cecile Guidote Alvarez na pinaunlakan din ang aming pagtatanghal, kasabay ng pagpinta ng kanyang larawan bilang isa sa limang Patnubay awardees ng lungsod; Direk Frank Rivera, ang batikang manunula, alagad ng teatro, at Patnubay awardee rin; Rene Napenas ng NCCA; JB Belmonte ng Department of Tourism Culture and Arts of Manila; Dr. Elba Cruz, ang curator ng Manila Clock Tower Museum; at sa iba’t ibang miyembro ng VVIP diplomatic corps (na sayang hindi natin nakadaupang-palad at nakapagpalarawan, dahil nga naunahan sila ng tagapanood).



Pangatlo, sa production at promotions team na pinangungunahan nina Direk CJ Andaluz; Rice Ramos; Krista Ann Taclan-Fuchs; Jeffrei Rabe; Rey Ormas Rod Adriano; Tony Dusich; Macky Santos; Jenn Diaz; Teddy Taganguin; at Diki DP.

Pang-apat, sa mga miyembro ng entertainment press na pinangungunahan ng showbiz editor nating si Tita Blessie Cirera; kapwa manunulat na sina Jovi Lloza, Favatinni San, Amadis Guerrero, Art Tapalla, at Boy Villasanta; Salvador Muyar ng DZRH; Tita Vans Fernandez, Jaemie Quinto, at Andrei Araneta ng Radyo Pilipinas 1; at Zon Ballesteros ng Tutok 13 IBC.



At panlima, ang Colegio de San Agustin at ang mga Kabunganga Nicksters sa Pilipinas at sa buong mundo na nagsidalo, walang sawang sumusubaybay, at tumutulong sa lahat ng pangangailangan ng konsiyerto. Tanging sa kanila ang aking walang hanggang pasasalamat na kundi dahil sa kanila ay hindi mabubuo ang pagtatanghal na ito, bagama’t ang daming balakid na hinarap subali’t nalagpasan.

Kung ating babalikan itong kauna-unahang konsyerto na Timeless 2 sa makasaysayang pusod at kapitolyo ng ating bansa, napakaraming uri ng tunog at ritmo ang inihandog natin mula sa Kanluran hanggang sa Silangan ng mundo na naghalo na rin sa tunog at ritmo ng ating mga ninuno mula Hilaga hanggang Timog. Tayo lang ang bukod tanging bansa sa Asya kung saan ang lahat ng ito ay nagsanib puwersa, kaya’t napakayaman talaga ng sining, musika, at kultura ng Pilipinas.

Yun na muna. Para sa mga taga ibang bansa, maaari ninyo pa ring mapanood ang Timeless 2 via online link. May libreng tarot reading pa kayo at makatutulong pa sa Hospicio de San Jose. Magmensahe lamang kung paano kina Grace Almazan at Ron Devous, at magpadala ng sulatroniko sa ariel1996mermaid@gmail.com.

Abangan ang inaayos nating bagong channel at website ng Nickstradamus, para mas matuto at matuwa kayo sa mga inihahandog naming paksa, kasama ang chikahan ng maraming OFWs sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hanggang sa muli, Light Love and LIfe, lalo na kay R, Namaste!