Advertisers

Advertisers

Toni Gonzaga nagduda sa career sa matinding bashing noong 2022 elections

0 6

Advertisers

Ni Anne Venancio

Binalikan ni Toni Gonzaga ang matinding batikos na kanyang hinarap noong 2022 at sinabi niyang malaki ang naging epekto nito sa kanyang pananaw sa sarili at sa ibang tao.

Sa panayam kay Gary Valenciano para sa “Unshaken” podcast, ibinahagi ni Gonzaga na naging mahirap para sa kanya ang sunod-sunod na kritisismo matapos niyang hayagang suportahan ang ilang kandidato noong 2022 elections.

Ayon sa aktres at host, nakatanggap siya ng masasakit na komento at death wishes habang pribado niyang dinadala ang kanyang pagbubuntis.

Sa halip na magtanim ng sama ng loob, sinabi ni Gonzaga na nagbago ang kanyang pananaw at mas naging mabait, malambot at maunawain siya sa ibang tao.

“Everything changed internally,” pahayag niya.

Inamin din ni Gonzaga na nagkaroon siya ng pagdududa sa kanyang career at naisip niyang maaaring matapos na ito matapos ang dalawang dekada sa showbiz.

Malaking tulong umano ang suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan at maging ng ilang taong hindi niya personal na kakilala.

Para kay Gonzaga, naging mahalagang aral ang nangyari noong 2022 dahil mas naunawaan niya ang bigat ng patuloy na panghuhusga.