Advertisers
Anim na kandidato ang magiging pambato sa pagkasenador ng Liberal Party (LP) at mga kaalyado nito sa 2025 elections, ayon sa pangulo ng partido.
Ani LP president at Albay First District Rep. Edcel Lagman, wala sa kanila ang magkakaroon ng kaugnayan sa administrasyon.
“We are not going to have a full slate. At the most, we will field about six candidates for the senatorial elections,” wika ni Lagman.
“For electoral purposes, I think the Liberal Party will remain as the political opposition and will put up its independent slate both in the national and local level… But on issue-to-issue basis, there can be an alliance,” dagdag pa niya.
Reaksiyon ito ni Lagman sa rekomendasyon ni dating senador Antonio Trillanes IV na makipag-alyansa ang original opposition sa administrasyon upang maharang ang posibleng pagbabalik ng mga Duterte sa national politics.
“Politics is the game of the possible” naman ang isinagot ni Lagman nang tanungin kung posibleng makipag-alyansa sa administrasyon sa “6-6” o “8-4” sharing ng senatorial candidates.