Alex Gonzaga Pinasalamatan Ang Netizens Sa Kanyang 14-M Subscribers Sa YT; Mommy Pinty At Daddy Bonoy Endorser Ng Buko Frappe Ng Happy Cup
Advertisers
Ni Peter Ledesma
SA kabila ng black propaganda kay Alex Gonzaga at gustong magpabagsak sa kanila ng sister na si Toni Gonzaga, na sina Ogie Diaz at Manang Cristy Fermin na tadtad ng kaliwa’t kanang demanda, hindi nagtagumpay ang mga ito at patuloy na tinatangkilik ng kanyang mga fans and supporters si Alex sa lahat ng mga projects nito.
Kabilang na sa kanilang sinuportahan ng husto ay ang Youtube Channel ng kanilang idol na ALEX GONZAGA OFFICIAL. As of presstime, from 13 million ay biglang lobo nito ng 14 million subscribers and still counting. Agad na nag-post si Alex sa kanyang social media account ng kanyang buong pusong pasasalamat sa lahat ng netizens na sumusuporta sa kanyang Vlog at Channel mula noon hanggang ngayon. At narito ang kanyang Thank you post. “Hi netizens. Two days before I celebrate the 7th year of my Youtube channel, we reached 14M! Malayo na pero malayo pa. Mahal ko kayo. Ginapang natin ito magkasama with heart emoji. Yung latest upload ng Vlog ni Alex na may title na “Napikon si Zeinab Prank by Alex Gonzaga” in just 5 days ay umabot na sa 6.5 million views. At since July 19, 2017 up to present ay umabot na sa 1,594,780,582 ang total views ni Alex na road to 2 billion views na. Ang bongga di ba?
By the way, si Alex pala at ang kanyang Mommy Pinty Gonzaga ang bagong brand Ambassadors ng Eyeberry at Eyeberry Gold. Sina Maine Mendoza at Isko Moreno ang mga dating endorsers nito.
***
UMABOT na hanggang Davao City ang Happy Cup ni Mommy Pinty Gonzaga. Ito ang bago nilang franchisee na located sa NCCC MALL VP DAVAO. Infairness, kahit kabubukas lang ng nasabing branch ay pinipilahan na ito. Last June ay may nag-open naman sa Gaisano Mall Davao. Well, very effective kasing endorsers ng HAPPY CUP ang mag-sister na Alex at Toni Gonzaga tuwing may live sa Facebook at Tiktok para sa promo o contest nila ay palaging sold-out ang kanilang merchandise. Happy syempre si Mommy Pinty at mas marami silang mabibigyan ng trabaho sa tagumpay ng kompanya nilang HAPPY CUP na over 100 branches na nationwide. Si Mommy Pinty at ang husband nitong si Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga ang nagpo-promote ng kanilang Buko Series na may tatlong flavors na, BUKO FRAPPE, BUKO COOLER at BUKO PANDAN. Yes, sobrang sarap nito, kitang-kita naman sa mukha nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na ine-enjoy nila also their customers.
KAMAKAILAN lang ay pumirma na ang baguhang young actor na si Dom Real, sa Media Quest Artist Agency ng TV5. Yes, Dom is now a certified Kapatid. At abangan niyo at mapapanood niyo siya sa mga programa ng TV5. Talented itong si Dom kaya’t may future siya sa showbiz. At isa sa masaya at proud kay Dom ay ang Uncle niyang si Oliver Carnay, na successful naman sa kanyang field na may hawak ng marketing ng malalaking concerts sa California like ang very successful na MILESTONE US & CANADA TOUR 2024 ni Erik Santos with guest Stell Ajero at ang kaka-start pa lang na THE WORLD TOUR OF “ANG HULING EL BIMBO” ng ERASEHERHEADS. Coming na rin this September ang US CONCERT TOUR ni Vice Ganda na “YOUR MEMEJESTY QUEEN” Los Angeles, San Diego, Las Vegas at Oklahoma. Magsisimula ito sa Sept 20 at special guest ni Vice sa tour niyang ito ang hottie Kapamilya young actor na si Kyle Echarri.
Siyempre, thankful always si Oliver sa rich and famous producer niya na si Ms. Ana Puno, LuxEntertainment etc. By the way, aside sa pagiging head ng Marketing Arm ng concert and foreign movies, Oliver is also a famous Talent Manager-Publicist and owner of International Artists PR and Talent Management in Los Angeles, California. Abangan niyo pala ang binubuong male group ni Oliver sa LA. Mga gwaping ang mga ito.