Advertisers
WALANG takot na inakyat ng isang guro sa Savidug Elementary School sa Sabtang, Batanes ang flagpole para ikabit ang tali.
Kinilala ang guro na si Carol Baro Figuro, isang master teacher.
Sa isang video, makikita ang guro na hindi manlang sinaniban ng takot para muling ikabit ang tali ng flag na laging napuputol.
Ayon sa panayam sa guro, hindi ito ang unang beses niyang umakyat sa flagpole.
Aniya pa, ayaw niyang iasa sa kanyang mga estudyante ang pag-akyat lalo pa’t delikado itong gawin ng mga bata.