Advertisers
NAGHIWALAY na ang Converge at si Aldin Ayo kasama ang assistant coach McJour Luib, inanunsyo ng team sa kanilang social media accounts Huwebes.
Ang team, na sumailalim sa major staff changes tatlong Linggo ang nakaraan bago ang parating na season, ay pansamantalang pamumunuan ni FiberXers assistant coach Franco Atienza.
Sinabi ni Team manager Jacob Lao na sumangayon ang dalawang panig sa development at pinasalamatan nya ang coaches sa kanilang serbisyo sa Converge team.
“It was a mutually agreed decision for both parties to part ways,” Wika ni Lao.
“We are thankful for their dedicated service to the team for almost two years,” anya.
Isa sa kanilang memorable na resulta sa ilalim ng pamamahala ni Ayo ay ang quarterfinal appearances sa Season 47 Commissioners Cup at Governors Cup.
Pinalitan ni Ayo si Jeffrey Cariaso na head mentor sa kanyang kauna-unahang torneyo.