Advertisers
Mayroon na ngang ganire sa Olympics.
Sa Paris ngayon ay may mga regulasyon hinggil dito sa iba”t ibang sports.
Pwede sa isa na dapat bago ka maging dose años ay malinaw na kung anong kasarian ka mayroon. Mayroon ding larangan na depende sa testorone count mo.
Oo pero sa isang boxing match noong isang araw ay umayaw ang isang Italyanang boksingera dahil ayon sa kanya ay grabeng suntok ang kanyang tinanggap mula sa kalabang taga- Algeria. Yun palang katunggali ay lalaki talaga na babae. Napaupo at naiyak na lang sa ibabaw ng ring ang kababayan ni Leonardo Da Vinci sa inis.
Dapat siguro may mas malinaw na panuntunan sa ganito. Mahirap nga naman na babae ay ilalaban mo sa lalake pala o transgender.
Marami mang mga atleta na itsurang female nguni”t male na tunay naman. Sa boxing bout na tinutukoy natin ay ganyan nga naganap.
Ayon kay Ka Berong may Pinay na runner noong araw na dalawang klase ang ari. Akala niya babae siya mula pagkabata kaya sa women’s category siya sumasali. Hayun nang sinuri siyang maigi ng mga eksperto ay idineklara siyang lalake.
Kailangan mga dalubhasang doktor o siyensa ang magtukoy ng tahasan at hindi mga manlalaro, o ooisyak o kanilang mga sports bodies.
Hay naku Inday!
***
Habang sinusukat natin ang pitak na ito ay may tatlo pa tayong boksingero at si pole vaulter EJ Obiena na in contention sa medalya sa kapitolyo ng France.
Natalo na kasi ang ilang mga pambato natin. Nadaig si Eumir Marcial ng boxing sa unang fight pa lang. Gayundin sinapit ni Carlos Yulo ng gymnastics na panglabindalawa lang sa finals.
Mukhang mamalasin ang Pinas lalo’t wala si Hidilyn Diaz sa Paris.
Maigi pa sa Tokyo may isang ginto, dalawang silver at isang bronze tayo. Pero may pag-asa pa ang Pinas.Laban Pinoy, Laban Pinay!
***
Hindi man lang pala kinunsulta ng PBA ang mga coach bago inihayag ang bagong 4′-point shot sa liga.
Yan ang sabi ni Yeng Guiao ng Rain Or Shine.
Kung tama ang ulat ay may katwiran ngang magreklamo si Coach Yeng.
Ano ba nga naman klase ang opisina ng Commissioner kung basta nagpapatupad nito na hindi man tinanong ang mga bench tactician?
Ang mga player kaya nahingan ng opinyon?
Malaki epekto nito sa game ha. Ano ba yan Kume?