Advertisers

Advertisers

Nesthy Petecio tiyak na ang bronze matapos ang panalo laban sa Chinese

0 13

Advertisers

NANATILING buhay ang pangarap ni Nesthy Petecio na makamit ang gintong medalya nang umabante sa semifinals ng Paris Olympics boxing competition matapos idispatsa ang Chinese Xu Zichun ng China sa women’s featherweight class Linggo ng gabi.

Ang Filipina boxer ay hindi na trouble sa boung three rounds ng kanyang quarterfinal bout, nagpatama ng maraming malalakas na suntok sa panalo via 5-0 count na tumiyak sa kanya ng medalya sa ikalawang magkasunod na Olympic Games.

Ang pride ng Sta Cruz,Davao del Sur ay sinako ang silver medal sa parehong weight class sa panahon ng 2020 Tokyo Olympics.



Ang boxing team ay tiyak na ang 2 bronze medals matapos pataobin ni Aira Villegas ang kanyang quarterfinal match kontra home bet Wassila Lkhadiri sa 50 kg class.

Nakalaban ni Petecio ay ang 20-year-old Julia Szeremeta ng Poland, na umiskor ng unanimous decision laban sa veteran veteran Ashlevann Lozada ng Puerto Rico sa kanilang sariling quarterfinal pairing



Ang semifinaals ay nakatakda sa Huwebes ng umaga Agosto 8 (Manila time).

Petecio at Villegas ang nanateling pagasa ng bansa na magwawagi ng kauna-unahang Olympic gold medal sa boxing.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">