Advertisers

Advertisers

Parangal at gantimpala naghihintay kay 2-times gold medalist Carlos Yulo

0 23

Advertisers

FILIPINO gymnast Carlos Yulo ay nakatakdang tumanggap ng maraming insentibo matapos ang kanyang makasaysayan na tagumpay sa 2024 Paris Olympics.

Nasungkit ni Yulo ang kanyang pangalawang Olympic gold medal Linggo nang mangibabaw sa vault finals ng men’s artistic.

Siya ang kauna-unahang filipino athlete na nagwagi ng multiple medals sa isang Olympics, at kauna-unahang nagwagi ng dalawang gintong medalya.



Nangako rin ang Bounty Fresh and Chooks-to-Go na magbibigay Kay Yulo ng P3 million para sa kanyang tagumpay.

“We believe in celebrating and supporting our homegrown talent, and this reward is a testament to our admiration for Carlos,” Wika ni Patricia Cheng-Lim, executive vice president ng Bounty Fresh Group Holdings Inc. “We hope his success will inspire the next generation of Filipino athletes to pursue their dreams with the same passion and determination.”



Samantala, Megaworld ay ina-upgrade ang kanilang reward para sa superstar gymnast.

Ang property giant ay nangako ng fully-furnished condominium unit na nagkahalaga ng P24 million sa Bonifacio Global City para sa gold medalist ng bansa.



Tatanggap rin si Yulo ng bonus na P3-million.

Ang House of Representatives ay nangako rin ng P3-million para kay Yulo pati na rin incentives para sa Filipino athletes na magwagi ng medalya sa Paris Games.

Bukod kay Yulo, boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas ay parahong tiyak na ang medalya matapos makarating sa semifinals ng kanilang kanya-kanyang weight class.

Ayon sa Philippines ‘ Republic Act 10699 or National Athletics and Coaches Benefits and Incentives Act, gold medalist sa international sports competitions ay tatanggap ng P10-million mula sa gobyerno, silver medalist ay entitled sa P5-million, habang ang bronze medalist ay mabiyayaan ng P2-million.

Ang city of Manila ay naghahanda na rin ng hero’s welcome para kay Yulo, na taga Leveriza, Malate.