Advertisers

Advertisers

Mga taong nagtatago, invisible yata kaya hindi matunton

0 17

Advertisers

Tila invisible na hindi nakikita ng ordinaryong mata ang mga taong hanggang sa kasalukuyan ay nagtatago kung kaya’t hindi ito matunton ng mga awthoridad.

Sa sarkastikong pananalita at sa pamamagitan na lang ng biro, sinasabing ang mga taong ito na kundi man invisible ay maaaring nag-aanyong langgam o’ ipis na hindi mo basta makikita’t mapa-pansin.

Ang mga taong tinutukoy dito ay sina dating BuCor Chief Gen, Gerald Bantag, Pastor Apollo Quiboloy at ang huli ay si dating Mayora Alice Guo ng Bamban, Tarlac.



Si Bantag ay halos isang taon na rin hinahanap nguni’t hanggang sa ngayon ay wala pa ring nakukuhang inpormasyon ang kinauukulan.

Si Quiboloy naman ay mahigit isang buwan na ring hinahanap ng sanib-pwersa ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) nguni’t hindi pa rin ito matunton.



Sa kabila ng milyong pisong reward na binibigay ng gobyerno sa sinumang makaka pagturo dito ay wala pa ring resultang nakikita.

Malaki daw ang posibilidad na ang reward money na binibigay ng gobyerno ay dinodoble ni Quiboloy kung kaya’t wala rin itong bisa.



Ang Mayora naman ng Bamban, Tarlac na si Guo na inakusahan ng kung ano-ano ay bigla na lamang hindi sinipot ang pagdinig ng Senado at halos isang buwan na ring nawawala.

Ang mga taong ito na hanggang sa kasalukuyan ay nagtatago ay pawang mga bilyonaryo at siguradong malakas pa rin ang inpluwensiya sa mga matataas na opisyal ng bansa partikular na sa mga politiko.

Kung sinasabing si Guo ay nakapasok ng ilegal sa Pinas gamit ang mga pekeng dokumento, hindi malayong maka-labas din ito sa Pinas sa ganon ding istilo.

Bukod kay Guo, sampu ng kanyang pamilya at mga kasosyo sa negosyo na pawang mga INtsik ay pasok din sa Pinas na areglado ng lahat ang mga dokumento at legal na mga papeles.

Sa puntong ito ay maliwanag na may kasabwat ito sa gobyerno kung kaya’t wala itong problemang kinakaharap habang namamalagi dito bilang mga negosyante, PERA-PERA LANG IYAN, PWERA DAMDAMIN.

Kung nakapasok ito ng legal, malamang na makalabas rin ang mga ito sa pamamagitan ng pera at koneksiyon pa rin sa mga dating tao nilang ginamit sa pagpasok, di po ba?

Dahil sa tagal ng resulta at sanhi na rin ng pagkainip, dinadaan na lang sa biro ng marami nating mamamayan ang mga posibilidad kung bakit hindi matunton ang mga ito.

May nagsasabing nagpapalit na daw ng mukha ang mga ito, sabi naman ng iba ay mag ka-double na daw ang mga ito at ayon naman sa ilan ay katabi lang daw ito ng isang makapangyarihang tao na nagdadala rin ng martsa sa bansa. Quiet lang daw ito at kalmado nguni’t hindi pwedeng salingin.

Meron ding matinding biro na sa kabila daw ng itsurang Barbaro at Barako ni Bantag, ito daw ay nagpa trans-gender na lang at ngayo’y mukha ng ganap na babaeng putatsing.

Si Quiboloy naman daw ay ganon din na sa kabila ng pagiging rapist nito ay isang ganap na babae na ring konserbatibong old maid he… he… he…

Si Mayora Guo naman anila na sa sobrang puti at kinis ay nag-pabago na ng kulay na kinopya sa mga native na Aeta na siya ring kumukupkop sa kanya.

Sa liit ni Mayor Guo ay pagkakamalan mo talaga itong isang native na Aeta sa bulubundukin ng Bamban, Tarlac.

Kung sakaling nagkatotoo ang mga pantasyang ito, talagang hindi makikilala ng kahit na sino ang mga ito.

Ang mga birong ito ay dala na rin ng kung anu-anong pantasya bunga na rin ng buryong at pagkainip sa paghi-hintay ng resulta mula sa mga awthoridad.