Advertisers

Advertisers

PRA binigyang linaw ang posisyon sa reclamation projects at pagbaha

0 45

Advertisers

Bilang tugon sa naging pahayag kamakailan ni Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga sa isinagawang Senate Hearing, binigyang linaw ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang kanilang posisyon hinggil sa reclamation projects at pagbaha sa Metro Manila.

Pinagtitibay ng PRA ang opisyal na paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na  pagbabago ng klima at ang matagal nang isyu ng hindi wastong pagtatapin ng basura ang pangunahing sanhi ng pagbaha sa Metro Manila.



Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kritikal na kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbara ng drainage at mabawasan ang mga panganib sa baha.

Ipinahayag naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang reclamation ang sanhi ng mga kamakailang insidente ng pagbaha.



Samantalang pinatunayan naman ng Lokal na Pamahalaan ng Pasay, na iniuugnay ang pagbaha sa hindi wastong pagtatapon ng basura.

Umaasa ang PRA na base sa pag-aaral ng agham na nagpapakita ang mga proyekto sa reclamation na nagbibigay ito ng proteksyon laban sa mga storm surge at hindi nagpapalala sa mga pagbaha. Sa ngayon, walang siyentipikong ebidensya ang nagpapatunay sa pag-angkin na nagpapataas ng mga panganib sa baha ang mga aktibidad sa reclamation. Kung inamin ni Dr. Mahar Lagmay ng Unibersidad ng Pilipinas at Project NOAH na wala pang simulation o modelo ang NOAH na nagpapakita na nagpapalala ng pagbaha ang mga reclamation sa Maynila at ang mayroon sa NOAH ngayon mga modelong nagpapakita ng pagbaha kahit walang reclamations, kung gayon makatitiyak ang publiko na  hindi nagdudulot o magdudulot ng pagbaha sa Metro Manila ang mga kasalukuyang reclamation project.



Iinasagawa ang Llahat ng PRA reclamation projects sa mahigpit na pagsunod sa pinakamataas na pamantayan sa kapaligiran. Ang regular na pag-iisyu ng Environmental Compliance Certificates (ECCs) ng DENR, partikular para sa mga proyekto sa reclamation ng Pasay, at sumusunod sa mga regulasyon sa kapaligiran.

Alinsunod sa pinag-isang paninindigan ng DPWH, LGU ng Pasay, at Office of the President, binibigyang-diin ng PRA ang mahalagang papel ng wastong pamamahala sa basura at adaptasyon sa pagbabago ng klima sa pagtugon sa mga alalahanin sa pagbaha.

Nanatiling matatag ang PRA sa pangako nitong itaguyod ang integridad ng kapaligiran at pagsunod sa regulasyon sa lahat ng mga proyekto, na nag-aambag sa pagpapanatili ng kaunlaram ng  bansa.

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.