Advertisers

Advertisers

11 RECLAMATION PROJECTS SA MANILA BAY IBINASURA NI PRESIDENT MARCOS – PRA

0 50

Advertisers

IBINASURA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 11 reclamation project sa Manila Bay na sumasakop sa National Capital Region, Region 3, at Region 4-A.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, inihayag ni Philippine Reclamation Authority (PRA) Assistant General Manager at Spokesperson Atty. Joseph John, na dalawa lamang sa 13 reclamation projects ang inaprubahan ng pangulo.

Ang dalawang ito ay parehong nasa Pasay City.



Sinabi ni Literal, mahigpit na utos ng pangulo na kung may epekto sa kalikasan ang reklamasyon ay kailangang pag-aralan ulit ang disenyo at ang proponents nito.

Magugunitang isa ang reclamation projects sa sinisisi ng publiko kung bakit nagkaroon ng malawakang pagbaha sa Metro Manila nang humagupit ang Habagat at Bagyong Carina kamakailan.



Sa kasalukuyan ay nasa kabuuang 22 ang reclamation projects sa buong bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">