Advertisers

Advertisers

Parak binaril ang selosang misis sa QC

0 26

Advertisers

Agaw-buhay ngayon ang 47-anyos na ginang nang barilin sa ulo ng kaniyang dyowang pulis sa mismong kaarawan ng ama nito sa Quezon City noong Linggo ng gabi.

Arestado naman ang salarin na isang sarhento at nakatalaga sa Manila Police District (MPD), tubong Ilocos Sur at nakatira sa Macaba Compound, Upper Banlat, Brgy. Tandang Sora, QC.



Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, 8:30 ng gabi (August 11), nang maganap ang pamamaril sa tahanan ng ama ng pulis sa Barangay Bagong Pagasa.

Sa imbestigasyon ni PSSg Christian Loyola, dumalo ang biktima sa birthday party ng ama ng salarin.



Nagselos umano ang ginang nang mabasa ang mga text message mula sa cellphone ng pulis na nagresulta sa mainitan nilang pagtatalo na humantong sa pamamaril ng pulis sa biktima.

Nakapiit na ang sarhento sa Talipapa Police Station (PS-3), habang inihahanda ang kaso laban dito.