Advertisers
Natagpuan ng Search and Rescue Team ng Philippine Coast Guard Naic Sub Station ang wala ng buhay na katawan ng grade 10 student ng Halang National High School na nalunod nitong Huwebes sa Coastal Bay ng Barangay Bucana Malaki ng nasabing bayan sa Cavite.
Kinilala ang biktima na si EJ Bartolata, 15-anyos, at residente sa Barangay Calubcob ng kaparehong bayan.
Base sa ginawang pag-iimbestiga ng mga kinauukolan tumakas sa kanilang klase sa school ang biktima kasama ang anim na iba pang kaklase at nagtungo sa lugar ng insidente para mag-inuman subali’t habang nasa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan nahulog sa dagat si EJ, at tinangay ng malalakas na alon hanggang sa hindi na makita ng kanyang mga kaklase na agad humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay na nakipag-ugnayan naman sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard.(KOI LAURA)